After Pregnancy

Nakakasad ang reality ng life after pregnancy. Yung nanganak ka, akala ng lahat okay ka na wala ka ng pinagdadaanan. Pero ung maski sarili mo hindi mo maintindihan bakit naging ganun ka ng dahil sa mga body changes na nangyari sayo. Ang masakit hindi ka maintndihan lahat ng tao s paligid mo. Mabbwisit pa sayo, magagalit, kung ano ano pang iisipin sayo. Ang hirap kasi wala kang makita o makuhang support maski sa asawa mo. Yung parang hindi ka sapat sa lahat ng ginagawa mo, laging mali pa ang tingin sayo. Yung nararamdaman mo hindi pwede dahil hindi valid sakanila. Yung naiistress sila, kelangan sila iintndhin mo, ikaw mag aadjust pero sa sitwasyon mo hindi sila makapag adjust, hindi ka maintndihan. Aabot pa sa puntong sisigawan ka, mumurahin at mabubugbog ka 😥 Dahil my hindi kau napag kasunduan. Ang sakit sakit kasi bakit hindi nila alam ang pinagdadaanan ng mga bagong panganak. Dadagdag pa yung sex drive mo nwawala talaga dahil s body changes na nangyari sayo, tapos iisipin ng partner mo na pinagpalit mo na sa iba kaya ka daw ganun. 😥 Ang unfair ng life. Matapos mo manganak bawal ka makaramdam nung kung ano ano dahil pag iinarte na lng daw yun. Tapos ka na daw manganak so hindi na pwede laht ng feelings mo not valid na. Pero sila pwede kaht mabwisit sayo, mstress sayo o magalit sayo.

4 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

totoo to mamii. minsan yung tatay ng anak ko nasasabi nya na hindi ka naman dati ganyan. nung buntis ka nag ganyan ka mas lumala ka pa ngayon sabi nya sakin. mahirap magdalang tao. hindi natatapos sa panganganak ang lahat. nag uumpisa pa lang tayo. kasi sa pag aalaga ng bata halos nandun na ang lahat ng oras at attention mo. pero di nila naiintindihan yun. part nalang siguro ng buhay ng pagiging babae lahat ng hirap pasan natin hahahaha pero lahat kakayanin para sa anak. kasi yung anak ko nalang ang kinukuhanan ko ng lakas. basta kasama ko ang anak ko okay ang lahat. Mamii. maging malakas ka para sa anak mo. ang saya maging nanay. Mahirap pero masaya. Hayaan mo na ang mga tao na nagbibigay ng sakit sa ulo mo ☺ kayanin mo mamii. binigyan ka ni Lord ng kakampi sa buhay yun ang anak mo. ako ganyan ang iniisip ko. hindi ko sinasabi na malakas ako, ang sinasabi ko kinakaya ko para sa anak ko, kahit ang anak ko nalang ang kasama ko okay lang. ☺♥

Magbasa pa
VIP Member

hugs mi, be strong para ky baby mi at piliin mo rin yung self love mo mi, ngayong nanay kna at binibigay mo ang best mo ky baby mo mas nagid worth it pa yung pagkatao mo.laban lng mi malalampas mo rin yan praying for you na maging okay ang kalagayan mo.

parang ako lng, may mga time na bigla nlng ako naiiyak..4mos postpartum na ako pero d tlga maiwasan n may mga bagay n kng naiisip mo napapaluha ka..masyado pa tlgang sensitive tas ssbhan lng ng asawa na drama lang Yan ang napapala kakapanood ng tv drama

Bawal magreklamo pag Nanay na. Feeling nag iinarte ka lang. 😮‍💨