regret
Sobrang nagsisisi po ako na nakilala ko pa.asawa ko! Isa lang naman po hiling ko sa kanya na umalis kami dito sa bahay nila bumukod kami pero hindi nya magawa dahil hindi nya daw maiwan magulang lalo na at tumatanda na may kapatid pa naman po sya walang trabaho. Ibig sabihin po gusto nya ako magiging katulong ng magulang nya paano ko po gagawin yun nagdedepress na ko sa pamilya nya sino po matutuwa. 1.pinagreglahan ng kapatid nya nakabalandra lang sa cr 2.panty nya may dugo nakasabit lang 3.pinagkainan nila itatambak lang sa lababo 4.pinagkainan nila na kutkutin lahat iniipit lang sa higaan 5.araw araw na paglilinis ko hindi po bahay nililinis ko palengke sa dami ng basura 6.hindi hinuhugas pinaglulutuan bawal daw po sabununin. 7.nanghuhuli sila ng daga dito sa bahay pero hinahayaan lang nila mamaho 8.mga pinaghubaran saka malilinis nila na damit sama sama. 9.cr hindi nila binubuhusan Tapos pagalitan ko lang anak ko masamang ina na daw ako isusumbat pa sakin na wala akong trabaho. Napapagod din naman po ako sa araw araw na nakikita ko at pag aalaga sa anak ko. Alam lahat yan ng asawa ko pero nagagalit sya kapag sinasabi kong bumukod na kami. Kaya naman po eh sya lang may ayaw ngunit alam nyang wala ako mapupuntahan.. Wala na po akonh tatay. Nanay ko stroke Mga kapatid ko nakikitira rin yung isa naman nag aalaga sa mama ko nagtry kami tumira dun hindi kinaya yung asawa ng ate ko lasenggero eh sama sama kami natutulog sa isang kwarto