regret

Sobrang nagsisisi po ako na nakilala ko pa.asawa ko! Isa lang naman po hiling ko sa kanya na umalis kami dito sa bahay nila bumukod kami pero hindi nya magawa dahil hindi nya daw maiwan magulang lalo na at tumatanda na may kapatid pa naman po sya walang trabaho. Ibig sabihin po gusto nya ako magiging katulong ng magulang nya paano ko po gagawin yun nagdedepress na ko sa pamilya nya sino po matutuwa. 1.pinagreglahan ng kapatid nya nakabalandra lang sa cr 2.panty nya may dugo nakasabit lang 3.pinagkainan nila itatambak lang sa lababo 4.pinagkainan nila na kutkutin lahat iniipit lang sa higaan 5.araw araw na paglilinis ko hindi po bahay nililinis ko palengke sa dami ng basura 6.hindi hinuhugas pinaglulutuan bawal daw po sabununin. 7.nanghuhuli sila ng daga dito sa bahay pero hinahayaan lang nila mamaho 8.mga pinaghubaran saka malilinis nila na damit sama sama. 9.cr hindi nila binubuhusan Tapos pagalitan ko lang anak ko masamang ina na daw ako isusumbat pa sakin na wala akong trabaho. Napapagod din naman po ako sa araw araw na nakikita ko at pag aalaga sa anak ko. Alam lahat yan ng asawa ko pero nagagalit sya kapag sinasabi kong bumukod na kami. Kaya naman po eh sya lang may ayaw ngunit alam nyang wala ako mapupuntahan.. Wala na po akonh tatay. Nanay ko stroke Mga kapatid ko nakikitira rin yung isa naman nag aalaga sa mama ko nagtry kami tumira dun hindi kinaya yung asawa ng ate ko lasenggero eh sama sama kami natutulog sa isang kwarto

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din hipag ko. Punyeta sa araw araw nalang gusto ko na palayasin dito sa bahay kakain sa higaan nya tapos ilalagay lang pinagkainan nya ilalapag nya lang minsan nahuli ko pa nahigaan nya pinagkainan nya. Higaan nya hindi manlang mailigpit nangingitim na ayaw labhan gusto ata ako pa lahat gumawa ultimo pinag reglahan na panty 1 linggo na nakababad. Kpag walang lakad walang ligo. Kapag may nakitang hugasin hindi kakain kapag nagkasakit naman kami kawawa kasi kami mapaperwisyo.. Sa sobrang pagkadugyot nya kumapit na sa kanya yung amoy na maasim at malansa. Gustong gusto ko na palayasin kaso alam kong mag aaway lang kami mag asawa kasi wala ng pupuntahan kapatid nya. 13years old po madalas hindi umuuwi sa bahay nabugbog na ng asawa ko wala parin kaya sabi ko. Isang beses pa nya gawin yun wag na sya umuwi ako na maghahatid ng mga gamit nya kaso sabi ng asawa ko san daw pupunta kapatid nya wala na daw tatanggap kasi inayawan na ng lahat ng kamag anak nila dahil sa sobrang pagkadugyot

Magbasa pa