gatas

Sobrang hirap na ko sa pag bebreastfeed kase konti lang ang gatas ko kaya nagmix ako ng formula. Di ko naman ititigil ang pag bbf pero maliit at payat si baby. He needs to gain weight pa namn I tried s26 gold ayaw nya. I tried Nan optipro ayaw pa din. Ayaw nya both dedehin ng maayos . Madalas nakaka 1onz lang tapos donudura na. Gusto ko mag try ng mas cheaper na product. Sino nakagamit ng Bona? Mas effective bang pampataba ng baby ?

gatas
99 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Paano mo nasasabing bitin siya o konti lang milk mo? Konti lang ba ang poop at pee? After 1 hr latching, gusto uli dumede? Edi ipalatch lang po uli. Normal po sa newborns ang maglatch halos 24/7. HINDI po ito senyales na gutom pa siya o kinukulangan. Breastfeeding is not just about food...it is liquid love and comfort. YOU are comfort for baby. baby needs to be breastfed and be close to you. The healing and nourishing touch of breastfeeding skin to skin works wonders for baby. This is called KMC (kangaroo mother care)...breastfeed na nakahubad si baby at naka diaper lang and bare-chested ka. Wrap a light blanket around both of you. Do this at least 6 or more hours a day. How to know baby is getting enough? Do diaper counts...baby should have at least 6-8 pee a day (bilangin gamit ang lampin kase hindi accurate ang disposables) and newborns should poop everyday. Kasama sa bilang ng wet output ang pag pawis. NEVER gawing basis ng gutom ang pag iyak kase maraming rason ng iyak. Maaaring gusto lang niya maging malapit sa iyo. Tandaan, sanay si baby kasama ka 24/7 sa womb mo for almost 9 months nung buntis ka. Hindi rin ibig sabihin ng madalas na pagdede ay gutom rin. Baby may just be going through growth spurts

Magbasa pa
5y ago

❤ thank you ill try that skin to skin. May sakit kase baby ko inborn that causes him para maging prone sa malnutrition. Nasa thinline na kami kaya nagseseek ako ng mga alternatives to help him . Cancel din lahat ng appt sa pedia dito samin

Ako momsh s26 gold ang baby ko pero nagtataka ako kc ang poop nya is parang watery na my buo buo kya sabi ng momy ko ok lang daw kc ganon daw tlga mga babies kya hinayaan kunalang taz pag nag popo xa parang masakit kc naiitak xa kakairi naawa nga ako sa knya eh,taz nong nagbakasyon kami sa lola ko sa probinsya naabutan kami ng lockdown taz naubos na nya gatas nya s26 gold taz wala ako mahanap na s26 gold sa bayan ng lola ko wala daw nagamit non d2 sa bayan ng lola ko kc ang mahal daw kaya aun napilitan akng palitan ang gatas ni baby nag try ako ng bonna taz un ok nmn xa nadede nmn xa at maganda pa popo nya me laman na taz hndi na xa naiyak pag umiri kaso isang beses lang xa napopo sa isang araw simula nang nag bonna xa😀

Magbasa pa
5y ago

Taz mas mura pa kc ang 1.2kg ng bonna is 649 pesos lang kesa s26 gold and 1.8kg is nasa 2,300 something ata un😀

Try mo mag laga ng malunggay , pang pagatas ,taz lagi ka kumain ng sinabawan na gulay , At more on water plus inom ka din ng Hot Milk or chocolate drink 😊 Ganyan din ako dati ,minsan wala pa ngang nalabas na milk sa breast ko, pero now laging basa damit ko at tulo ng tulo yung milk 😁 Optional mo nalang yung malunggay Capsule na nabibili sa mga Botika . nagtetake kasi ako niyan at vitamin C din , Since wala ng stocks na poteen C kasi Lockdown ,wala ng mabilhan, Truvit C nalang tinetake ko .. Lakas makapagpagatas . .Saka Huwag ka palipas ng Gutom,. sadyang nakakawala ng gatas pag ganun ..

Magbasa pa

Mostly naman po ng bagong panganak, kaunti lang gatas.... Nasa tyaga lang po yan. Believe mepinagdaanan ko na lahat ng hirap sa pagpapaBF. Pero di ko sinukuan, yun parin ang best para kay baby. At wala po sa taba o payat yan ng baby kung healthy siya. Mostly po ng BF babies ay payat, pero hindi sakitin. Sana po itry niyo lang ng itry iBF si baby. Try mo rin po magpump a few times a day para lumakas milk supply niyo, more on sabaw kayo, malunggay oats at iba pang nakakadsami ng supply ng gatas. BTW, 4 years exclusive BF ang first child ko. And yun din plan ko sa 2nd ko kahit pa bumalik ako sa work.

Magbasa pa

Continue bf and dont think of letting it go.. Breastmilk is still te best mahirap but that's part of bf journey, research ka about ways on how to improve ur supply, there are lots of ways... Cheap brands of formula milk have lots of sugar content kaya masarap and enjoy si baby dumede tendency to make them fat, though its not necessary. Im a mother of 2 both were breast fed till 2 yrs, hindi sila tabain but they never got hospitalized, mag 10 yrs old na eldest ko..

Magbasa pa

Hi mamshie!way back 7 yrs.ago sa panganay ko I tried S26 at inayawan niya then I shifted to bona at ngng hiyang sya.hanggang ilang taon lahat Ng klase Ng bona nahiyang siya.3months ko din xa breastfeed nahinto lng xa dumede skn dhl mgwork nk nun.Pero unang una bago ka mgshift Ng milk mgconsult ka sa pedia dhl my mga baby na sensitive sa at mgkakaroon Ng allergic reactions.God bless🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏

Magbasa pa

Momsh not true po na ayaw ni baby ng formula, di lang po sya sanay sa lasa kaya ganun di nya dinedede maayos pero kapag nasanay na po sya sa lasa dededein din nya yan. Saka wag po paiba iba ng formula di daw po maganda yun. Dipende na lang if may something sya sa particular formula milk. Saka pili po kayo ng formula na walang sugar para di po sya agad maexpose sa sugar.

Magbasa pa

Hiyangan din po mommy ako po nag try din ako ng bona. Kaso nagsusuka sya after nya dumidede.. Nag try din po ako nan opt. Ok naman po hindi naman sya nag susuka after nya dumidede. Tapos po wala ako mabilhan ng nan opt. Ang nabili ng asawa ko nan gold. 2months na po kame sa nan gold.. Nun una okay naman po popo ni baby tas bigla nalang po tumigas. Paamo po ba yun

Magbasa pa

itry nyo po mag papaspas ng dahon ng papaya sa dibdib o sa breast nyo po kung may mga matatanda po jan na may alam nun pagtanung o paturo po kayo . kasi yung breast ng ate ko ng ka nana tpos wala na gatas . pinapaspasan po ng dahon ng papaya ng nanay ko nagkagatas po sya ulit at madami pa sya kesa nung unang gatas na lumalabas sa breast nya. try nyo lang po .

Magbasa pa

Try moh uminom ng malunggay momsh nd avoid cold water po muna pra po magkagatas k nd dpat po puro sabaw k plgi momsh... Nung s first baby q ganyan po ayaw nya ng formula milk kya nagpump po aq at hinahagod q ng maligamgam n tubig mga breast q at panay inom ng malunggay un ang gnagamit q s kape un more than 1yr old c baby ndede prin xa skin..

Magbasa pa