ganitong ganito sitwasyon namin dati ng hubby ko nung nagsisimula kami. no choice kasi ang sweldo napupunta sa diaper saka gatas lang. yung sweldo ko naman bigay ko kina mama kasi dun naman kami kumukuha lahat. pagkain, kuryente, tubig. sobrang stressed din ako sa kanya kasi si mama noon inis na inis na. tanghali na nakahiga pa, may kulambo pa. akala ko nga hahantong sa hiwalayan eh. pero ganito, nung bumukod kami, naunawaan ko na sobrang hirap talaga ang makisama. kasi nung nangupahan kami, hindi na sya ganun. kumikilos na sya. nagusap kami at sabi nya hindi nya daw alam kung pano sya gagalaw kasi lahat naman ng kilos nya napupuna. baka ganun din sa case ni hubby mo. i suggest bumukod kayo if kaya na. kahit maliit na kwarto lang. para din yun sainyo.
Anonymous