Depress

Sobrang depress ko na mga mommies. Yung partner ko di man lang gumagawa ng paraan para makapagtrabaho. Lagi niyang sinasabi hinihintay na lang daw kung kelan siya aalis papuntang Saudi pero ilang buwan na wala parin. Imbes na itrabaho niya sana yung paghihintay niya, ayun tambay sa kanila. Malapit na akong manganak pero di ko pa nababayaran yung philhealth ko kahit pagpacheck up di ko magawa kasi wala akong pera. Walang wala na din yung mga kapatid ko tsaka ayokong maging pabigat sa pamilya ko. Ayaw naman niya akong papagtrabahuhin pero wala naman siyang ginagawa para man lang may pangkain sana ako sa mga cravings ko. Paadvice naman

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi everyone! Ako yung nagpost niyan! Luckily, okay na ako ngayon. Yung ate ko yung nagbigay ng pangpanganak ko tsaka binigyan din yung ng 11k yung partner ko ng mommy niya. Inimergency CS ako pero konti lang naman yung binayaran namin sa ospital. After 2 months kung manganak umuwi na yung mama ko galing ibang bansa kaya balik na kami sa bahay. Pero after nung nanganak ako andun ako sa bahay ng partner ko nakatira kasi walang mag aalaga sakin sa bahay, sobrang payat ko nga lang dun pero nakasurvived naman. ☺ Thank you sa concern niyo! Yung partner ko nga pala, ayun medyo naging masipag naman sa pagtrabaho after kong manganak. Nakita niya siguro na paubos na yung gatas ng mga anak niya.

Magbasa pa