Bakit ganun yung nanay ko ayaw ako magpaultrasound po😭😭😭

Share ko lang po mga mommies Gusto ko po magpaultrasound pero ang hirap magpaultrasound kapag walang pera 😭😭😭 ayaw ng nanay ko po magpaultrasound ako kasi pwede naman daw yun, eh sinusunod ko lang naman yung sinasabi sakin ng mid wife ko, naiiyak po ako kasi gusto ko na malaman gender nito ni baby pero wala akong sapat na pera pang paultrasound hays Pati imbis na magpagender reveal ako wala din di din natuloy kasi nga di makapagpaultrasound 😭😭😭

28 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hi mamshie, di ko alam kung mali lang ung phrase mo sa post mo na may pang gender reveal ka sana pero wala kang pang utz?. Mamshie magastos talaga lalo na ngaun Pandemic mag buntis kaya dapat talaga pinag hahandaan pero minsan talaga may pag kakataon na hindi mo inaasahan pero pag nandyn na SET UR PRIORITIES😊 hindi lang yan ang need mo gastusin sa pregnancy journey mo mamshie marami pa lalo na pag labas nyan ni baby. Kaya kung ano ung important un ang sundin. Like kami ni hubby before nung preggy ako kahit kaya namin mag gender reveal hindi na namin ginawa kasi maselan ako mag buntis inisip namin ung pangangailangan namin ni baby like laboratory everymonth minsan everyweek pa bago napakaraming vitamins and lalo na ni mindset ko what if ma CS ako so need ko mag budget na pang CS and thank God dahil sa ganun mindset namin ni hubby never kami nahirapan nakaraos kami at tama na CS nga ako kaya di namoblema ung both parents namin. Kaya mamshie wag ka mag pa kastress sa mga ganyan bagay. Mas lalo makakasama sa inyo yan ni baby.

Magbasa pa

In general, magastos po talaga ang pregnancy. Kaya dapat talaga handa tayo mga parents at pag iipunan. Wala po problem kahit magpa gender reveal as long na set your priorities and based sa scenario mo mas advise lang namin is magpa ultrasound ka to know un status ng baby. Take note hindi bawat ultrasound is malalaman mo agad un gender kasi depende pa dn sa position ng baby, kaya un iba is nagpapa ultrasound ulit. And yes - gagastos ka talaga during pregnancy mo and real talk lang po yan sis. Gusto mo is punta ka public hospital pero magtyatyaga ka pumila for ultrasound. Ganun talaga. We need to set our priorities at kailangan madiskarte tayo mga babae kahit papaano. Stay safe everyone and Happy Mother's day!

Magbasa pa

for me kung di naman kaya wag ng pilitin 😅 lalo na kung kapus sa budget if wala naman ibang nararamdaman at okay naman si baby okay lang na wag muna mag pa ultrasound lalo na't hindi pa keri sa budget mo at para lang sa gender ni baby kasi pwedi ka naman mag pa ultrasound bago ka manganak 😊 isa pa no hate pero dapat hindi na ang nanay mo ang namomoblema sa mga gastosin mo dapat ung jowa muna yan dahil magastos talaga ang mag buntis ngayon dapat pala ang ginawa ninyo ni partner nag condom kayo kasi ang hirap ng buhay mahirap umasa sa ibang tao or sa magulang 😊

Magbasa pa

nakakatawa ka nmn, may pang gender reveal ka pero walang pangpa ultrasound? pano ba yon? wag pong magyaman yamanan kung di nmn kaya. di nmn mahalaga yang mga ganyan lalo n at gipit. set your priorities and also your expenses. ako kaya ko nmn pero di ko ginawa. may mga bagay na mas dapat pag tuunan ng pansin.

Magbasa pa

Sana all may pag gender reveal! Kami nga afford namin pero need maging practical, better save the money. 😂Anyways, baka naman kasi sa FB lang, magpopost lang sya ng gender ni baby. If sabi ng midwife then hanap ka ng way para makapagpa ultrasound, benta mo cp mo. Do find ways, besides di kana obligasyon ng nanay mo girl. Nong nagpasarap eh di naisip yong nanay tapos ngayon pag may problema damay si nanay? No hate, just saying. 🙃

Magbasa pa

Ang pang gender reveal mo gamitin mo nlang pang ultrasound.. At much better kung CAS na... D naman kailangan pagender reveal pa kung d naman kaya ng budget... Dapat alam mo ang priorities mo..kasi mas malaki pa gagastosin kapag nanganak kna.. Mga diapers at mga ibang gamit ni baby at check ups... At d naman ang parents mo ang may obligation naman jan kundi ang bf o asawa mo..

Magbasa pa

Ako di kuna inisip ang pa gender gender reveal nayan kase gastos lang din naman yan ang importanti malaman kung anong status ni baby sa loob. chaka why naman mother mo yung inaaligaga mo sa pag papa ultrasound mo? saan ba hubby or live in mo? Asking lang po wag masamahin, This time of pandemic mas mabuti ng maka save ng money para it comes from emergency may mapagkukunan ka.

Magbasa pa
TapFluencer

Mi. Php 380 lang nagastos ko sa ultrasound. Kasi di lang naman gender makikita mo dun e pti yung position kung tama ba yung timbang ni baby etc etc. Kaya namin mag pa UTZ sa medyo may kamahalan kasi working naman kame pero pinili namin makamura para rin kasi money matters at yung health rin ni baby.

gastos talaga mag buntis, swerte nalang siguro ako kc kahit kapos kami sa pero binibigyan ako nang nanay ko pang prenatal sa Ob kahit gusto ko lang sa center Lang dahil walang bayad, pero pinupush talaga nang nanay ko sa Ob since na miscarriage ako before kahit my supportive partner naman ako

Naku, naku kung walang pera shattap nalang! 😂 Marami kaming mga nanay dito na afford na afford pero di nagpa gender reveal kasi sinave nalang. Pero ikaw na walang pera kahit pang ultrasound eh nag iinarte? Lol! Gumising ka tii, RK yern? Set your priorities maging nanay kana!

Related Articles