Working Mom π
Sobra pong hirap ng nalalayo sa mga anak ko dahil nga working mom ako. Parehas po kami ni husband, kaya sa mga lola lang sila naiiwan. Noong wala pa pandemic, everyday kasama ko sila kasi malapit bahay namin sa work. Pero ngayon, hindi nako makauwi masyado kaya nasa byenan ko muna sila. π’Every time na uuwi ako/kami sakanila, nandun yung takot nila palagi na parang iiwan ko na naman sila, lagi gusto nilang nakabuhat o nakadikit sakin, ako lang gusto nila mag-asikaso sakanila. Kahit sa gabi, sa pagtulog dapat alam nila na nandun lang ako sa tabi nila. Iyak sila ng iyak, mawala lang ako sa paningin nila. π Para po bang separation anxiety na yun sakanila? Btw, 3 yrs old and turning 2 po babies ko.