Marriage is a constant work in progress po. As individuals, we also change, grow and evolve kaya continues rin po ang effort natin sa ating relationships. You will fall out of love, once you allow yourself to give up on it.
Regarding po sa pag-inom, ganun na po ba sya bago pa kayo magpakasal? Ano po ang tungkol sa pag-inom nya ang ayaw nyo-- Nanakit kapag lasing? puro barkada, no time for family, etc? Sabihin nyo po sa kanya kung bakit.
Ako rin dati, naiinis ako sa pag-inom ng asawa ko. Alam ko namang nag-iinom sya dati pa, pero nung nagsama na kami dito sa kanila sa province, hindi ko expected na ganun pala kadalas ang inuman. Tinanong ko sarili ko bakit ako nagagalit? I realized 2 main reasons: 1) Ayaw ko masayang pera sa alak lang; and 2) Naga-alala ako for his health/ safety. So sinabi ko sa kanya yun at um-ok na rin kami since 1) Hindi naman sya ang bumibili ng pang-inom 😜; and 2) drink moderately lang, and no drunk driving. I'd rather na makitulog na lng sya at umuwi kinabukasan kaysa magdrive sya ng lasing. So since we have resolved on that compromise, wala na akong issue sa pag-inom nya. Never namang syang nambabae, nanakit, o nagwala kapag lasing so those were never my issues.
Nakakatulong rin na sumasali ako sa sessions nila once in a while (even though I don't drink) dahil nakikilala ko mga kasama nya at alam ko rin ano ba ang mga agenda nila (usually ay tsismisan lang din naman 😂).
So ultimately, pag-usapan nyo po sana nang mabuti. Just as sinasabi nyo sa kanya na tumigil na sa pag-inom, subukan nyo rin po na pakinggan sya kung bakit sya nag-iinom ☺️ At hopefully ay makapag-compromise rin po kayo.
Magbasa pa
Queen of 1 fun loving cub