How to increase milk supply

Hello mga mies. Paano po mag parami ng milk supply? Pure bf po ako kay baby pero di pa po visible ang weight gain niya and during feed, wala po akong naririnig na swallowing. Nakaka pag poop ans wiwi naman po siya and madami dami naman po. Rp po and sana po may maka advice. Ft mom po ako and gusto ko na po tumaba si baby. 5 weeks na po siya. #Needadvice #firstmom

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello mommy!same problem sakin before. Try mo if magwork, ang ginawa ko nagbreastpump ako mga 5-10minutes pag feeling puno na ung breast pero busog pa si baby para daw matrigger ang brain natin n magproduce pa ng milk.Kumain ka mommy ng masabaw na ulam(tinola,nilaga,anything na may sabaw) and malunggay helped a lot.Halos may malunggay lahat ng ulam namin para magkagatas.Fresh buko juice din po nakatulong dumami ang milk supply after uminom talagang madami kang milk.Sleep and rest kung kaya, sabayan mo si baby kasi nakakabawas din ng gatas ang pagpupuyat at stress. Less caffeine or none kung kaya. Tapos feed on demand. Sa age ni baby,atleast until makuha ung goal na weight niya, need niya ng atleast every 2hrs. na feeding ,3- 4hrs maximum na hayaan makatulog, then, need gisingin para mapadede sa gabi. Make sure din po na naubos niya ang milk supply sa both breasts every feeding,eventually masasanay yung katawan sa routine,dadami ang milk, which is true, almost a year n si baby ko and BF padin til now. Hopefully this will help.Napakahirap po talaga, I feel you bilang napagdaanan ko din yan. Kaya mo yan mommy!

Magbasa pa

Unli latch lang mi. More milk removals = more breastmilk production Hydrate. hydrate. Hydrate. Try mo magpump mi para Makita mo if konti ba talaga or enough yung breastmilk mo. May mga pwedeng irent na breast pump. Pero if weight gain ang problem mo, maybe hindi yung konti ng breastmilk ang cause. Baka need gawing more fatty yung milk mo. Eat more protein and vegetables.

Magbasa pa

para sa akin magluto ka ng more gulay halo halo,, pwde lagyan kalabasa,carrots,patatas,kamatis tska kung may konting chicken ka mas okay para may lasa naman at masarap ang kakainin mo. pakuluan mo 2 hours depende sa dame ng tubig po. mas matipid ito kase pwde mo iref pag di mo maubus ang soup mo.

try nyo po mag m2 malungay sa andoks po mabibili. gagawin nyo lang po syang tsaa and masarap naman sya.. nakaka tatlong timpla din ako sa isang araw malakas talaga gatas ko pero nung nag inum ako nyan mas lalong lumakas hehe

VIP Member

bili ka malungay powder tapos halo mo sa milk or milo, or ilaga mo malunngay tapos inumin mo na parang tea. magsabaw ka lage na may halong malunngay, alugbati , talbos

VIP Member

try nyo po ung morlactan sa morning taz malunggay cap sa gabi....sobrang na boost milk ko d2 dami ko na milk stash para kay baby taz vitamins c sa afternoon

magboiled ka ng malunggay leaves tapos yung pinaglagaan yun yung pang milo at gatas na iinumin mo super effective sa akin

try mo natalac.. ito Yung nakakaplkas ng gatas ko before KSI mahirap mghanap ng malunggay didto sa amin

maglaga ka po ng malunggay isang baso at lagyan mo ng milo yan po inumin mo