Any Tips po para bumalik ang taba ni baby?
Hello po mommies ... any suggestions para po bumalik ang dating malaman na baby ko ... ❤️ to start with , sa history po ng famiLy namin , hnd po kami tabain , malusog kami pero hnd talaga kami tabain , sLim po usually kami... ? Ipinanganak ko po baby ko ng 2.6 kg , tinuring sya ng pedia nia at nurses don na small baby kaya after 2 weeks na pagbalik namin sa hospital para sa follow up check - up , nagulat sila kasi ambiLis nia mag gain ng weight ... tuloy tuloy po ang pag gain ng weight ng baby ko hanggang sa 3 months po sya ... mixed feed po pero dahil mahina talaga ung production ng milk ko , simula 4 months sya , nag formula na sya ... EnfamiL A+ po .. gusto nia ung milk ... actually matakaw sya dumede , hiyang nia ung milk... pero simula mag start sya magpatubo ng ngipin @ 6 months , unti unti nawawala ung malaman na katawan ni baby ... tapos mejo humina sya sa pagdede .... ngaun naman na 11 months na sya , Lumakas sya ulit dumede pero napaka likot ni baby at napaka gulo ... pero hnd ko talaga alam ang dahilan kung bakit namamayat sya , kung dahil ba sa family history namin , or dahil sa pagpapatubo ng ngipin or dahil sa kalikutan nia ... pero marami at matakaw si baby kumain at mag dede .... Nutrilin vitamins nia , punalitan ko lang ng tiki tiki noong 10 months sya kasi nga gusto ko tumaba sya ulit ... PLEASE HELP , any advice po or suggestions po para bumalik ung malaman na katawan ni baby ??? thanks po ❤️