Weight gain for baby
Mga mi pahelp naman po kung ano magandang gawain 😔 baby girl ko po is almost 11 months na still ung weight nya 6.7kg lang. Ung pedia nya naman parang di naman sya nabobother sa weight ng baby ko pero ako bilang nanay nadidismaya ako parang feeling ko lahat ng effort ko to feed her e balewale. Kc last check up po nya Oct 5 nasa 6.6kg po sya then nung binalik namin sa pedia Nov 21 nasa 6.7kg po sya almost 2 months ung nakalipas 0.1kg lang nadagdagan sa timbang nya 😔 Formula po sya, similac milk nya. She's taking 30-32oz a day. Mahina po sya dumede at kumain eversince ngstart sya magsolid. Naka BLW po kami. She'll take a bite or two then un na po un. Mostly tikim2 lang tlaga sya. Ayaw nya dn sa mashed or purees. Vitamin po nya citrozinc at propan tlc. Natry na dn po nya ibang milk ung nan, enfamil, bona at lactum. She's very active naman po and parang advanced pa nga sa mga milestones nya. Gusto ko lang po talaga mag gain sya ng weight kahit papaano. Ano po maisusuggest nyo mga mi?
House wife