Trying to conceived

Almost 1yr na kami sumusubok ni hubby na magka baby. Kaso until now wala pa rin๐Ÿ˜” im taking Letrozole 2.5mg during my period for 5days. Im taking also everyday Vitamins E, folic acid. At si hubby naman nagti-take din sya ng Rogin E. Ngayon may napansin ako. Everytime na mag make love kami yung semilya nya after nya pinutok sa loob ko lumalabas. Kahit na tinataas ko na ang pwetan ko ng unan at pati mga paa. Pwede ba itong maging dahilan kaya di ako nabubuntis? Sana may makasagot. At kung pwede yun ang dahilan ano pwede namin gawin? Thank you in advance sa pagsagot๐Ÿ™

46 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

hello mommy. di po lahat ng ilalabas ni hubby need pumasok. meron po talagang lalabas. ๐Ÿ˜Š. tinry din namin ung method na yan noon. pagkatapos taas agad ng paa at balakang ko sa pader sabi nila para dae makatravel ng matiwasay yung sperm lalo na sa opening pa lang ng vagina natin crucial na. nagpapaalaga po ba kayo sa OB? baka po may ibang complications. at never po kayo papressure. napansin namin magasawa yan. the more na nagpapadala kami sa pressure ng families namin, mas stressed kami when we make love. un po ang una nyo iwork out. dapat relaxed kayo at masaya. 5 months after ng kasal namin nakabuo kami although from day 1 ng marriage namin nagttry na kami magbuo. ang tagal na ng 5 months sa amin. frustrated ako lagi pag negative ang PT. dun sa 3rd month nagpaalaga na ako sa OB. it turned out may pcos ako. inayos namin ni OB. uminom din ako ng vitamins. after two months, nabuntis na kami, nawala ang pcos ko. pero after almost 3 months, nawala si baby. nakunan ako. naghintay kami ulit ng 1 year bago kami mabigyan ulit. maiksi ang journey namin pero un na yata ang pinakamatagal na 1 year ng buhay ko. nung nagkacovid kami parehas ni hubby dun kami nakabuo. wala kami stress kasi nasa bahay kami parehas naquarantine. di kami pumapasok sa opisina. as in parang oras namin para sa isa't isa ung 14 days. wag kayo papressure mommy. your time will come, too. basta tiwala lang sa taas at sa OB nyo. kapag may doubt kayo kay OB, seek for a second opinion. iwasan nyo po ung stress. God bless sa inyo ni hubby mo mommy. baby dust to you. ๐Ÿ’–

Magbasa pa
2y ago

bakit po kayo na kunan sis?? almost same tayo me pcos din kc aq, but preggy ako now 13weeks, kinabahan aq bigla para sa baby ko ๐Ÿ˜ญ

sharing my experience mi , trying to conceive din kami ni hubby before kahit bago palang po kami kasal and laging negative . Nag take ako Myra E capsule and Folic Acid Folart , si hubby naman conzace multivitamins tinake niya and nag try din ako bumili ng VitaPlus melon gold every morning yung wala pang laman ang tyan namin tas nagdo do kami pag fertile days ko lang and pag mag do na kami diko iniisip na sana after this mabuntis na ako instead parang ine-enjoy nalang namin ni hubby hanggang sa matapos and pag magsabi siya na malabasan na sya lalagyan ko agad ng unan yung bandang pwet ko then after niya malabasan di ako gumagalaw tas yung dalawang paa ko tinataas ko talaga sya hanggang sa makatulog ako , nakaka pagod pero kung pag sisikapan mo worthy naman . Di naubus yung Vitaplus na tinake namin for one month and sa loob ng 5 days na fertile ako habang nagdo-do kami ni hubby tinataas ko talaga yung paa ko para di ako maihi after mag do ginagawa ko iihi muna ako bago magpa gamit hehe at sa awa ng Diyos nakabuo din kami after 7 months naming kasal and 35 weeks nako ngayon mi sana po makatulong yun sainyo if kaya mo po gawin yung butterfly position mas better po yun then after niyo mag do itaas mo lang paa mo . Wag lang po masyado isipin na makakabuo agad basta enjoy niyo lang po pag magdo kayo , goodluck po sana mabuntis kana mi sending Love โค๏ธ

Magbasa pa

bukod Po sa vitamins dpt Po 1. healthy lifestyle and healthy foods, iwas puyat, iwas stress, iwas kape, iwas junkfoods 2. aralin nyo Po ung fertility window nyo pra sure na magmeet Ang egg at sperm. ok lng nmn Po na mag overflow, normal Po na mag overflow un so Ang ginagawa ko noon di Muna aq tatayo agad. mga 5 to 10 mins aq nakahiga at tinatakpan ko eme pero di magflow pra sure na sure na mag swim Sila. pwede ring magstay Muna si hubby in few minutes qng ok lng sa knya pra sure na pasok sa Banga. try nyo din search pa ng better position na pasok na pasok. 3. kht every other day lng Po mag make love Ang importante tlga e ung fertility window. 4. pray hard 5. pacheck up na Po kau parehas ni hubby qng wla pa rin po others: iwas Po Muna maglinis pupo ng dog and cat. may chemical Po kse un na di maganda sa preggy or gustong magbuntis. lht Po ito ginawa nmin within 3 months, sa biyaya Po ng Diyos 25 weeks preggy na Po. in Gods perfect timing mabibiyayaan din Po kau. sa case ko Po 6 months injectable na operahan din kse aq removal ng gallbladder. 2 months di aq nagkakaron due to injectable pa rin naiwan sa body ko kht matagal na Kong nagstop mag inject. 3 months we tried. so overall 11 months din ho Ang tinagal Bago kmi nagkababy.

Magbasa pa

hi mommy ganyan na ganyan din po ako. gustong gusto na ng mister ko na mabuntis ako kaya everytime na may magaganap sa amin kahit same kaming pagod galing work at kaunti nalang pahinga namin wala pa din nangyayari. may time nga na 1 weeks straight kami e . at every week talaga ๐Ÿ˜… nakakatawa man po sa part na yon kasi parang napaka libog naman na po . pero wala pa din nabubuo samin. ๐Ÿฅฒ to the point na kapag sa loob niya nilalabas kusa pa din lumalabas yung sperm ni mister kahit kalangan na ng unan. hanggang sa hndi na namin pinressure sarili namin na mag ka baby. pero kapag nag do kami sa loob pa din. hanggang nitong april napansin na ng mister ko na palagi na akong inaantok at inom at papak ng gatas. kaya try niya ako mag pt at ayun nga po nag psoitive na ako. agad agad na ako nag pa checkup at transV para ma confirm. hanggang sa totoo pala talaga. kaya mommy wag mo i pressure sarili mo kasi kung para sa inyo at panahon niyo ng mag kapamilya dadting din yan. Godbless po โค๏ธ

Magbasa pa

hi mommy. kaya yan. same case. last year kami nagpakasal. halos one year na din sumubok. nagpaalaga ako talaga sa infertility doctor since pcos at retroverted uterus ako and nasa lahi namin ang may prob na di magkaanak. takot ako sobra syempre nasa edad na kasi talaga kami magasawa. nagresign ako to concentrate on conception para iwas na dn sa stress. i took all medicines and sinunod ko talaga lahat ng sinabi ng doctor. walang palya kami almost every week ultrasound and checkup. sinabayan ko rin ng araw araw na dasal. and miracles happenned. im now preggy. ginawa ko din yang pagtaas ng paa. pero the most important is healthy din dapat ang sperm ni daddy since kailangan nya makasurvive sa loob mo to meet your egg. hindi lang dapat ikaw mommy magalaga sa katawan kahit sya din. iwas sa mga bisyo talaga.

Magbasa pa

thats normal na lumabas sya mi. At hindi yun ang possible na dahilan kung bat hindi kayo maka buo. as long na wala ka naman problem sa matres mo makakabuo at makaka buo ka. tiwala lang.. si mister ba nakapag pa check up na? try it. in my case im taking 800mcg folic and Vitamin d3 kahit di ko alam if agad kami makakabuo or hindi just to be safe and ma ready ang uterus ko. ganon din since nag try kami mag concieved na notice ko na lumalabas din sya then nag search ako i found out that its normal after 2 months im pregnant na. 18 weeks na today. dont stress yourself. darating din yan โ™ก

Magbasa pa

naturAl yn mi kht 15 minutes pa nkataas paa mo..meron tlgng lalabas hindi sya hindrance para d ka mbuntis. Mataba k ba mi? okay b blood sugar mo? bgo kse kme bngyan ng gmot..bloodwork ang unang pngwa smen ng doktor nmen then test kung barado fallopian tubes,next step ung mga vitamins then ksbay pgpapababa ng timbang/exercise at pg iwas sa bisyo o bawal...in 2 mos. buntis ako..4 yrs kmeng trying..i have pcos both ovaries at si husband low sperm count. hindi ako umabot sa letrozole, pero di ako nangingitlog..nkuha sa vitamins at disiplina kaya naturally conceived kme na nakakagulat tlga.

Magbasa pa
VIP Member

Hi mi share ko lng im 30 weeks pregnant bgaun 7 years nmn pinag pray actually twice nku naoperahn and isa nlng ang tube ko dumating kami sa punto na tinatanong nnmn anu ba dapt gwin mentally physically at financially stress na kmi tumigil na din aku mag p check up .. sinurender nanamin kay lord lahat and last april nalamn ko na buntis ako .. mi try nyo irelax ang sarili nyo wag nyo pilitin actually dat time na nabuntis aku 2 beses lng kmi mag sex and finally bngy na ung mtagal nnmn pinag ppray.. mag relax kau mi ksi kumg pareha kau na ppresure na stress d sya healthy

Magbasa pa
TapFluencer

Hi Mi, not sure if naniniwala ka sa hilot pero pwede mo itry, sa ganun po ako nabuntis, dahil tulad mo hirap din ako mabuntis dahil sa PCOS (but thank God yung transV ultrasound ko nung Dec 2021 wala na bukol) track your ovulation din po. Wag kayo pakastress sa baby making kasi kapag lalo nyong iniisip at pinipilit lalong di po yan dadating. Wag nyo po gawing chore ang love making, gawin nyo yun dahil gusto nyo hindi po yung maipilit lang. Di naman po need araw araw, need lang tyempuhan ang fertile days. Baby dust mi pray lang po ibibigay din po yan ni Lord.๐Ÿฅฐ

Magbasa pa

kami naman ng hubby naghintay ng 3yrs bago ako mabuntis,gaya ng iba nagpahilot din ako since mababa ang matres ko at retroverted uterus din ako..but sadly ung first baby namin kinuha rin sya last feb 23 2022...but luckily nabuntis din ako ng may 2022..tiwala lang sa taas mamsh...dasal dasal lang din...mabibigyan k din...nasa tamang timing lang yan..iwasan mong mastress during ovulation mo...bawasan din ang pagtake ng coffee and softdrinks...now im 20weeks pregnant sa 2nd baby namin

Magbasa pa