Trying to conceived

Almost 1yr na kami sumusubok ni hubby na magka baby. Kaso until now wala pa rin😔 im taking Letrozole 2.5mg during my period for 5days. Im taking also everyday Vitamins E, folic acid. At si hubby naman nagti-take din sya ng Rogin E. Ngayon may napansin ako. Everytime na mag make love kami yung semilya nya after nya pinutok sa loob ko lumalabas. Kahit na tinataas ko na ang pwetan ko ng unan at pati mga paa. Pwede ba itong maging dahilan kaya di ako nabubuntis? Sana may makasagot. At kung pwede yun ang dahilan ano pwede namin gawin? Thank you in advance sa pagsagot🙏

46 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

wag po kayo mapressure. Take as much time as you need. Dahil naniniwala po ko na kung para sa inyo, para sa inyo po tlaga.. May tamang timing po si Lord .. ☺️ Think positive po. Kame po ng partner ko 6yrs po kame nag antay mag ka baby, at dun pa sa moment na di namen expected dun p namen mlalaman na buntis n pla ko. ☺️ now i am on my 25weeks gestation. Tiwala lang po. Wag mapressure po.

Magbasa pa

minsan hindi umaayon ang katawan natin sa kagustuhan natin.. ganyan din ako dati gustong gusto ko na mabuntis pero ayaw talaga, until 1day tinanggap ko nalang na hindi na talaga ko mabubuntis pero now 4months preggy na ko.. pa check up ka din sis para malaman posisyon ng matres mo if retroverted or anteverted and para maresitahan ka ng Ob.. ganun lang din ginawa ko kaya nabuntis ako 1st nakunan after 3months nabuntis ulit ako at ito na nga ngayon 4months na

Magbasa pa
3y ago

yan nga mi kung kilan isinuko muna na hindi kana tlaga magkaka baby ska siya ibibigay satin

Ako 2 years nag hintay at sa wakas nabiyayaan din. Hindi kmi talaga nagtatry pero lahat ng intercourse sa loob tinatapos ni bf. Hindi talaga ako nabubuntis kaya i decided mag folic acid and vitamin C. Di alam ni bf na im trying my best na para mabuntis haha kaya nung nag positive PT ko ang saya ko sobra tas sya shocked 😂 Pero happy din naman sya about time na din naman. 🥰 I'm now 32w4d with a healthy baby boy💙

Magbasa pa

3yrs tried and prayed. we visited a fertility doctor para nalaman ang health condition namin ni hubby. baka makatulong to. PCOS here and took myo inositol for years to regulate my mens and controlled diet esp carbs and sugar pero di talaga religiously. Iwas stress din and no expectations every after do. tama yung sinabi nila na after penetration itaas yung legs and patungan ng pillow yung butt ni misis 10-15mins.

Magbasa pa

Try niyo po uminom din ng duphaston, nakahelp po samin. Last august we were trying din po with letrozole, nangitlog ako pero hindi naging successful. Then in september, nagletrozole ulit ako pero sinamahan ko ng duphaston @day20 (actually mejo late na po ata duphaston ko, you may check with your ob kelan kayo dapat magtake ng duphaston). Ayun, naging successful po kami. It may work din po sa inyo :)

Magbasa pa
3y ago

wow congrats po mi.. sana po maging effective din po sakin yung letrozole.🙏

same situation po..ang gnawa kopo nagpahilot ako ksi my nkpagsbi sakin na mababa dw matres ko kaya po ganun..wala nman po masama kung magpahilot ka..11weeks pregnant npo ako ngaun..tagal dn po kmi bago nakabuo ksi my pcos po ako tpos retroverted uterus pa..hilot lng po pinagawa ko 5days lang during fertile window then dun dn po kmi nagcontact ni hubby.. success po.. try nyo dn po baka sakali po..

Magbasa pa
3y ago

same tayo ng case, 'my.. nagpahilot din ako kasi mababa at retroverted uterus.. sa YouTube particularly Dr.Willie Ong and his wife, may mga ganito ang content, iyon ang mga pinanood namin noon. sinunod namin lahat ng payo, pati iyong position na dog style muna then tsaka hihiga na nakataas sa unan ang mga balakang.. awa ng Diyos ay nakabuo kami.. pero mas mainam na magpa-check-up muna, para maalagaan ka.. 3x din kasi ako nakunan..

In gods perfect time po..ako 8 yrs kami ng partner ko pero 2x nako nakunan at 1 ectopic pregnancy..naoperahan pako so nag pills ako for 5 yrs kasi daming sinasabi ng mga ob delikado na daw may apas na daw ako mahihirapan nako magbuntis pero ngayon buntis nako after 5 yrs of praying and waiting..im on my 30 weeks of pregnancy tiwala lang😊😊

Magbasa pa

baka naman po kasi nagpapakastress kayo. Bukod kasi sa pagtake ng vitamins eh kailangan okay kayo both physically and mentally. Meron po akong kaibigan 10yrs silang nagttry magkababy, tapos nung pandemic lang sila nakabuo kasi napahinga yung katawan nila muna sa work at nabawasan yung stress nila. Eat healthy and exercise po:))

Magbasa pa

try nyo po uminom ng Fern D, ganyan din kase ako before lumalabas sya dahil na rin siguro hindi ko pa ovulation. Yung sa fern D naman po, marami pong testimony na nabubuntis dahil sa pag take nila nyan pero depende narin siguro. ako po kase nag tetake nyan and after a month nag buntis po ako, currently 36 weeks na po ako.

Magbasa pa

same here almost 2yrs na kami nagtry magkababy at nasa point na po kami na maisipang mag ampon nalang pero never give up po ako haha😅 may nakita akong vids na nag aadvice about pano mabuntis, at sinunod ko yung at bumili po ako ng ovulation test and isang try ko palang nabuntis agad ako, now 1month na baby namin☺️☺️

Magbasa pa
3y ago

congrats po mi.. tanong ko lang po kung ano ang brand ng binili nyong ovulation test? at saan nyo po binili?