Postpartum

Hi mga mommys!! Share lang ako, 1month na baby ko mula nung ipinanganak ko siya ?, yung first two weeks namen very good siya sa pagtulog, maaga matulog, hindi namumuyat sa gabi, and kahit sa araw more on tulog lang siya ni hindi mo maririnig umiyak, mas madalas pa nga na ako yung umiyak kesa sakanya e, hehehhe, napakaemosyonal ko mapa hanggang ngayon.. kaso nag iba na si baby ngayon ng sleeping routine niya, mahirap na siya patulugin, tulog siya pagkarga mo, pagnilapag magigising tapos iiyak, minsan pa nga kahit karga mo na umiiyak pa din.. partida pa ayaw niya ng nakaupo ka kapag karga siya.. late na siya matulog tapos maaga siya magigising.. mahirap na siya alagaan ?? Nagiguilty lang ako mga mommy kasi kapag yung wala na kong magawa, hindi ko na alam paano gagawin ko sakanya, lalot sobrang sakit na ng braso ko kakabuhat, minsan na papalo ko, hindi naman ganun kabigat pero minsan nagugulat siya tapos iiyak.. ganyan kapag sinumpong ako ng emosyon ko.. hays.. halo-halo na kasi pagod, puyat, sakit ng katawan, gutom tapos breastfeed pa.. haaays kaya todo sorry ako sa baby ko kapag yung ganun na nahihirapan ako ??? #theasianparentph #pleasehelp #advicepls

8 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

same tayo mi kakaone month lng ni baby ko kahapon ayaw din magpababa . kaya ginawa nmen binilhan nmen ng duyan para pag umiyak uuguyin nlng ... Napopostpartum naden ako minsan naiiyak ako bigla magisa pero napapagalitan ko sya pero diko sya pinapalo ng pabiro hehe? Bumaba pa nga dugo ko sobra nun . Dahil panay walang tulog asawa ko mas tulog pa sa anak ko pag gabe . Pero hanggang ngayon kinacareer ko nalang ftm lng din kase ako ?. sobrang excited din nmen kay baby kaya inexpect ko nayang puyatan malala ?

Magbasa pa