Postpartum

Hi mga mommys!! Share lang ako, 1month na baby ko mula nung ipinanganak ko siya ?, yung first two weeks namen very good siya sa pagtulog, maaga matulog, hindi namumuyat sa gabi, and kahit sa araw more on tulog lang siya ni hindi mo maririnig umiyak, mas madalas pa nga na ako yung umiyak kesa sakanya e, hehehhe, napakaemosyonal ko mapa hanggang ngayon.. kaso nag iba na si baby ngayon ng sleeping routine niya, mahirap na siya patulugin, tulog siya pagkarga mo, pagnilapag magigising tapos iiyak, minsan pa nga kahit karga mo na umiiyak pa din.. partida pa ayaw niya ng nakaupo ka kapag karga siya.. late na siya matulog tapos maaga siya magigising.. mahirap na siya alagaan ?? Nagiguilty lang ako mga mommy kasi kapag yung wala na kong magawa, hindi ko na alam paano gagawin ko sakanya, lalot sobrang sakit na ng braso ko kakabuhat, minsan na papalo ko, hindi naman ganun kabigat pero minsan nagugulat siya tapos iiyak.. ganyan kapag sinumpong ako ng emosyon ko.. hays.. halo-halo na kasi pagod, puyat, sakit ng katawan, gutom tapos breastfeed pa.. haaays kaya todo sorry ako sa baby ko kapag yung ganun na nahihirapan ako ??? #theasianparentph #pleasehelp #advicepls

8 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

naku simula pa lang yan, pero ang wag na wag mo paluin o bulyawan wala alam yan. alam ko mahirap kasi ranas ko rin yan. gawin mo kapag gising siya saka ka gawa mga gawaing bahay sabayan mo siya at dapat di sinasanay sa karga, baby pa yan kaya puro higa pa lang di pa yan gumagapang. kapag tulog siya tulog ka din. diskarte ka paano mo gawin gawaing bahay habang karga mo siya kung ayaw magpababa. isip paraan lagi lalo kung walang tutulong sayo. mga gawaing bahay nanjan lang yan di matapos tapos pero ang tulog natin kailangan kasi si binat nakasunod yan puyat ang nag ti trigger sa lahat sa pagiging emo sa hormones sa pagkabugnutin pagkamadaling mapagod etc. piliin mong masiyahan na makita si baby at mag smile kahit nahirapan ka mas magiging positive ang mood mo try mo lang. at monthly may pagbabago lagi sa mga babies pansinin mo at paghandaan paano ka mag adjust. at lastly bili ka carrier malaking bagay lalo kung nasanay sa karga si baby makakagawa ka gawain.

Magbasa pa