Postpartum

Hi mga mommys!! Share lang ako, 1month na baby ko mula nung ipinanganak ko siya ?, yung first two weeks namen very good siya sa pagtulog, maaga matulog, hindi namumuyat sa gabi, and kahit sa araw more on tulog lang siya ni hindi mo maririnig umiyak, mas madalas pa nga na ako yung umiyak kesa sakanya e, hehehhe, napakaemosyonal ko mapa hanggang ngayon.. kaso nag iba na si baby ngayon ng sleeping routine niya, mahirap na siya patulugin, tulog siya pagkarga mo, pagnilapag magigising tapos iiyak, minsan pa nga kahit karga mo na umiiyak pa din.. partida pa ayaw niya ng nakaupo ka kapag karga siya.. late na siya matulog tapos maaga siya magigising.. mahirap na siya alagaan ?? Nagiguilty lang ako mga mommy kasi kapag yung wala na kong magawa, hindi ko na alam paano gagawin ko sakanya, lalot sobrang sakit na ng braso ko kakabuhat, minsan na papalo ko, hindi naman ganun kabigat pero minsan nagugulat siya tapos iiyak.. ganyan kapag sinumpong ako ng emosyon ko.. hays.. halo-halo na kasi pagod, puyat, sakit ng katawan, gutom tapos breastfeed pa.. haaays kaya todo sorry ako sa baby ko kapag yung ganun na nahihirapan ako ??? #theasianparentph #pleasehelp #advicepls

8 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

relax momsh. wala ba makakatulong sayo na mag alaga? konting patience pa. mahirap pero isipin mo si baby. lilipas din yung phase ng ganyan. minsan lang sila baby konting push pa tayo kahit mahirap. naiintindihan kita momsh pero wag mo paluin si baby kawawa naman. kung di mo sya mapatulog take time to breathe, ihiga mo sya ng 5 minutes, inhale exhale. pakalmahin mo sarili mo. double check din si baby momsh, paulit ulit pero need kasi icheck since di pa sila nakakacommunicate ng maayos. check diaper, kung kinakabag, gutom or gusto lang tlaga nang kalinga mo. pag nagpapadede ka mag side lying position ka para nakakapahinga kadin. relax ka lang momsh. pakiramdam ko din kasi nararamdaman ng babies yung emosyon ng mga mommies. try mo lamibingin. sakin kasi noon nadadaan sa lambing. and try swaddling.

Magbasa pa
2y ago

mabuti momsh at open ka sa asawa mo at naiintindihan nya na need mo ng emotional support. matatapos din yan momsh. may time na babalik pero expert ka na nun. mahirap kasi nangangapa pa talaga sa una. aside from swaddling try mo yung pag ihehele mo sya maglagay ka unan sa pagitan nya at braso mo para pag ibababa mo sya hindi sya masyadong malilikot, yung flat na unan ba. not sure kung effective sa iba pero nakatulong naman kahit papano. duyan di ko natry eh. maganda mag side lying sis para pag binaba mo sya try mo magpadede. make sure din na hindi sya naiinitan or di nilalamig. kaya yan momsh. di mo namamalayan tapos na sya sa ganyang phase tapos expert ka na, worth it kahit mahirap lalo na pag nagiismile na si baby as in talagang yung smile, bawi ang pagod. sending virtual hugs momsh ♥️♥️♥️