san niyo pinaglihi si baby?

Hi mga mamsh. Katuwaan lang san niyo pinaglihi si baby? Ako feeling ko sa cheese ?? kayo? Ask ko na din masama ba sa buntis ang cheese? #3monthspreggy #sooontobemom ❀

127 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Sa pinya ata Yun akin.. naalala q. Nag work ako nun sa Landers balintawak, Everytime na lunch break q. Kahit mainit pumupunta ako sa footbridge. May nag bebenta kac dun Ng pinya.. staka minsan pag may nauunang mag break samin. Nagpapasabay ako Ng pinya. Tapos sa tuwing umuuwi ako. Dumadaan ako sa palingke. Naghahanap Ng pinya. hinde q pa Alam na buntis na ako nun ie.. tapos bayabas din.. gustong gusto q Yung amoy nya.. bumili AK nun Ng madaling makinis na hinog na hinog na bayabas. Tapos de nidesplay q lang sa bahay.. inaamoy amoy q lng..

Magbasa pa

isang kilong isaw ng manok na inadobong tuyo! πŸ˜…πŸ˜…πŸ˜… ako nglinis, ngluto,, ako lang din kumain hindi ko namigay kahit kay husband πŸ˜…πŸ˜‚ dko alam buntis na pla ko nun,, tska hate na hate ko ang bawang the whole pregnancy sukang suka ka pgnkakaamoy, kaya lahat ng ulam namin walang bawang πŸ˜… 2months old today si baby..πŸŽ‰

Magbasa pa

Monggo HAHA kung Monggo na amoy ginisang garlic .. walang pork. Hate na hate ko ang baboy sa first 3 months ng pagbubuntis ko. Ayaw ko maka amoy ng mantika ng baboy. Nakakasuka hahahaha kaya puro monggo lang. Binibilhan ako ng asawa ko every morning. Yun lang kinakain ko hahaha

sa panganay q naglihi din aq ng cheese sa sobrang takam q muntik q n kainin ng may foil pa,🀣🀣 tpos pinaglihi q din sya s fried chicken,lugaw,palabok,adobo at gatas(hahahaha napakatakaw q🀣🀣🀣) sa pngalawa q kopiko brown😁 canton na may tuna 3rd goto 😁

ako tingin ko sa sili 😁😁 lagpas 1 month ko na kasi nalamn buntis ako..hindi ko alm na nglilihi na ako pakiramdam ko nun nkakaisip ako ng mga nkkdiring bagay so nawawalan ako gana kumain kya gingawa ko kumakain ako as in nung pulang sili pampagan sa pagkain ko..😊😊

Cake, siopao, ice cream,coffee saka pala sa pwet ng hubby ko. Basta mga sweets kinahiligan ko kainin. Bumabawi lang ako nun sa tubig kc alam ko masama sobra tamis. Thanks to God normal ko nailabas c baby at wala din naging problem sa kanya😊

1st tri ako naglihi, cheese din na may pandesal hinahanap panalasa ko, 1 time alas dose Ng Gabi Naghahanap tlaga ako pandesal, hayss naghanap na c hubby wla tlaga nakita dto Samin, Kaya ending cheese lng binili nya ayon yon nalng pinapak ko.

Hindi ko napansin dahil wala ako symptoms. Mama ko lang nagsabi sakin kasi nahilig ako sa samgyupsal as in gabi gabi kahit ako lang magisa bmbili ako para sa bahay nalang ako kkaen pero dko pa kasi alam na buntis ako non. πŸ˜…πŸ˜…

Feeling ko sa apple & oranges ko pinaglihi si baby ko. I cannot go on a day without having apple or oranges. Hahahahahaha tapos ngayon madalang na ako kumain kasi nung 1st trimester ko literal araw araw kumakain ako πŸ˜…

Ako po feeling ko sa sopas. Hihi 😁 Halos araw araw during my 1st and 2nd trimester sopas gusto ko kainin kahit napakainit. Haha. Di naman sya amoy sopas, medyo maputi lang parang alaska evap. πŸ˜€πŸ˜€

5y ago

Ang importante healthy si baby :)