ASK LANG MGA MOMMIES
Sino sa inyo yung buntis na di pinaalam agad sa magulang? paano po ba yun? Panganay kasi akong apo, at graduating sana. Sakin naka-asa lahat, pag nakagraduate daw ako paaralin ko kapatid ko at mga maliliit na pinsan. Nakasanayan kasi dito sa family namin na tutulungan yung mga kamag anak. Nahihirapan ako kasi ni work wala ako, pati jowa ko sa delivery lang umaasa. 2months preggy palang ako pero grabe yung anxiety at stress . Help moommmies

1 month na nung nalaman kong pregnant ako pero we (my partner) decided na sabihin sa family namin nung 13 weeks preggy na ako. Syempre nandun yung takot since we're not ready yet pero andun na eh. Although di tayo pareho ng case na sa akin nakaasa lahat since pang 4 ako sa magkakapatid so not much burden. Ang say ko lang sis, sabihin mo na hangga't maaga pa para less worry and stress. Maiintindihan naman nila yun, magsorry ka nalang sa kanila if ever nadisappoint mo sila. Pero in time, matatanggap ka pa rin nila. Ang pangit lang kase pati mga pinsan mo sayo inaasa ang pag-aaral. Sana maputol na yang toxic Filipino family culture na yan, na iaasa lahat sa panganay porket nakapagtapos na. Tsk. Kaya mo yan sis. God bless!
Magbasa pa
