ASK LANG MGA MOMMIES

Sino sa inyo yung buntis na di pinaalam agad sa magulang? paano po ba yun? Panganay kasi akong apo, at graduating sana. Sakin naka-asa lahat, pag nakagraduate daw ako paaralin ko kapatid ko at mga maliliit na pinsan. Nakasanayan kasi dito sa family namin na tutulungan yung mga kamag anak. Nahihirapan ako kasi ni work wala ako, pati jowa ko sa delivery lang umaasa. 2months preggy palang ako pero grabe yung anxiety at stress . Help moommmies

14 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Mas magandang sabihin o ipaalam mo sa mga magulang mo, siguro sa una magagalit sila at hindi mo rin sila masisisi. Pero matatanggap naman yan.

Sabihin mo na :) ako nung nalaman ko na preggy ako pinalipas ko lang ng 1 week tsaka ko sinabi. Ayun sobrang spoiled si baby ko sakanila :)

Ako graduate na and my work pero di ko sinabi agad 5mos na ko nung nalaman ng mama ko ayun umiyak.

Lakas loob lang mommy

Related Articles