ASK LANG MGA MOMMIES

Sino sa inyo yung buntis na di pinaalam agad sa magulang? paano po ba yun? Panganay kasi akong apo, at graduating sana. Sakin naka-asa lahat, pag nakagraduate daw ako paaralin ko kapatid ko at mga maliliit na pinsan. Nakasanayan kasi dito sa family namin na tutulungan yung mga kamag anak. Nahihirapan ako kasi ni work wala ako, pati jowa ko sa delivery lang umaasa. 2months preggy palang ako pero grabe yung anxiety at stress . Help moommmies

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

1 month na nung nalaman kong pregnant ako pero we (my partner) decided na sabihin sa family namin nung 13 weeks preggy na ako. Syempre nandun yung takot since we're not ready yet pero andun na eh. Although di tayo pareho ng case na sa akin nakaasa lahat since pang 4 ako sa magkakapatid so not much burden. Ang say ko lang sis, sabihin mo na hangga't maaga pa para less worry and stress. Maiintindihan naman nila yun, magsorry ka nalang sa kanila if ever nadisappoint mo sila. Pero in time, matatanggap ka pa rin nila. Ang pangit lang kase pati mga pinsan mo sayo inaasa ang pag-aaral. Sana maputol na yang toxic Filipino family culture na yan, na iaasa lahat sa panganay porket nakapagtapos na. Tsk. Kaya mo yan sis. God bless!

Magbasa pa

ako din incoming 3rd year sana tapos jowa ko 2nd year tapos Marine Engineering pa course w/c is hundreds of thousands talaga gastos ๐Ÿ˜… . 4mos sa side ko nalaman saka nya after 2 weeks sakin natanggap agad kahit panganay ako sabi lang sakin andyan nayan pwede pa bumawi sa kanila medyo nahirapan kasi nga dami ng nagagastos pero ika nga walang magulang ang matiis ang anak . Ngayon mas excited pa sila makita apo nila๐Ÿ˜… tapos support padin kami nila sa pag aaral ๐Ÿ˜Š

Magbasa pa

Me po, incoming 3rd yr college pa lang this s.y 3 months ko na nasabi sa side ko which is through chat pa sa mama ko kahit katabi ko lang sya. And pinilit na din ako ng bf ko kasi nahihirapan na din sya itago and worried sya kasi wala pa kaming check up ni baby. Mas better to say it out na po momsh kasi lalaki at lalaki yang tummy mo which is malalaman din talaga nila. Need mo na ibunyag yan kasi para macheck up ka na din not just for you pati na din kay baby. ๐Ÿ˜Š

Magbasa pa
VIP Member

Mas maganda nang sabihin mo ng maaga kesa itago mo pa. Sabi mo nga. Sa family niyo tulungan.. Maiintindihan nila yan. Maybe at first they will get mad. Pero pag lumabas na baby mo, mawawala na din yun. Believe me. Been there. Done that. ๐Ÿ˜˜ Stay strong. Bawi ka na lang sakanila. Pag labas ng baby mo. ๐Ÿ’ช

Magbasa pa

5 months preggy na ako nung sinabi ko sa parents ko, nung una kasi diko talaga kaya sabihin kasi alam ko madi- disappoint ko sila and yun nga nangyari nung sinabi ko na sa kanila pero worth it din kapag sinabi mo kasi makakaluwag yung pakiramdam mo. Isipin mo lang yung baby mo, yung makakabuti sa kanya.

Magbasa pa

Ako po. Sinabi ko na ata sa mama ko 7 months nako which is pinagsisihan ko kung sinabi ko sana ng maaga eh di sana di nako namoblema kaka isip iwas stress din. Ganun din naman po malalaman at malalaman din nila. Kaya sabihin nyo na po habang maaga pa.

Mas masarap sa pakiramdam msabi mo s pamilya mo, mkakaluwag ka, kng magalit man sila its okay. lilipas dn yan. wlang permanente s mundo kya kng mgagalit sila sayo for sure mwwla din yon. at matataggap nila ng munting anghel sa sinapupunan mo โค๏ธ

ako 5 and a half na namin sinabe ng bf ko, pero mahirap lalo na pag wala kayong source of income kase yung check ups, labs, milk at meds sobrang gastos na tsaka para makapag usap po kayo ng family nyo

VIP Member

Mas okay malaman nila kagad. Syaka family mo naman yan matatanggap at matatanggap nila yan. ๐Ÿ˜Š Pwede ka pa naman tumulong sa kanila at makabawi e. Stay strong โค

VIP Member

Mas maganda po pag sinabi ng maaga, normal lang po yung may expectations talaga ang pamilya sa atin. Madi-disappoint at first pero iwewelcome ka parin nila nyan :)

Related Articles