ML PAMORE.

sino po yung may asawa dito na adik na adik sa ML? tapos minsan puro tropa kasama. NAKAKABADTRIP po, iwan ko na to e haha

71 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

I feel you. Napalayas ko na isang beses asawa ko wala pang isang buwan nakakalipas baha dito samin nun and day off nya nasa tropa sya naglalaro ng ML nagulat sya pag uwi nya mga damit nya nakalutang na sa baha. AYOKO NA SANA TANGGAPIN kinausap lang ako ng lola ko na wag ako magpadalos dalos dhil nag uumpisa palang kami isipin ko daw anak ko. NAG SORRY NAMAN ASAWA KO KAYA TINANGGAP KO PERO HAYUP HANGGANG NGAYON HNDI NAGBABAGO AT SA MGA ORAS NA TO DAY OFF NA NGA NASA TROPA PADIN HINDI PDIN NAUWI. NILOCK KO LANG NAMAN BAHAY NAMIN BAKA MORNING KO NALNG SYA PALAYASIN NAGTITIMPI AKO PERO SA MGA KATULAD NATING BABAE NAKAKAUBOS SILA PASENSYA.

Magbasa pa

NAKO PO ANG ASAWA KO SOBRANG ADIK SA ML NAIIRITA AKO TINGNAN SYA AS IN MAKAKAUSAP MOLANG SYA PAG NAGUGUTOM SYA AT MY IUUTOS UUWI YAN ML AGAD HANGGANG PAG TULOG MINSAN NAIISIP KO NG LUMAYAS O HIWALAYAN NALNG KASI HINDI KASI ITO YUNG PAMILYANG PINANGARAP KO AKALA KO MAGIGING MASAYA AKO SA KANYA PERO HINDI PALA. NALULUNGKOT AKO NA FEELING KO MAG ISA LANG AKO DAHIL HINDI KO TALAGA SYA MAKAKAUSAP PAG NAMAN PINAG SABIHAN MO GALIT PA NAIIYAK AKO AYOKO SA ASAWA KO PERO DIKO MAIWAN SOBRANG LUNGKOT HINDI AKO MASAYA SA NANG YAYARI SA BUHAY KO GUSTO KO LANG HAPPY LIFE.

Magbasa pa

bigyan mo lang ng time tapos pag usapan nyo, if preggy ka sabihan mo sya na bawasan paglalaro kasi may mga pagkakataon na kailangan mo tulong nya. iexplain mo rin mga nararamdaman mo sa kanya tulad ng pagsakit ng katawan, paglikot ng baby, kulang mo sanpag tulog as in lahat para inform sya. they know how to manage their time naman just let them know para di sila nagpapabaya

Magbasa pa

Mister ko po puro ML nakakaurat nga po eh pag mnsan tinatanong ko d nasagot at dmu makausap ng maayos gnagawa ko hinahayaan ko siya maglaro pero pag alam kong tapos na ang laro niya kaagad ko hahablutin ang cp namin para dna makapaglaro d naman nagagalit kasalanan niya eh hahaha

Ako Punyeta na yan mas may oras pa siya sa ml na yan last time Winasak ko cp niya aba Bumili ng bago Kainis yang ml na yan pero hindi siya Sumama sa mga Barkada niya di siya lagalag Kahit sa inuman di mo siya mapapasama ang problema nga lang sobrang adik sa ml

Mister monsh hahaha yun lang daw pahinga nya eh ๐Ÿ˜‚ minsan napapagalitan ko kasi nakakasira sa mata kako tapos madaling araw na matulog kahit may pasok ng 8am. Inaalagaan naman noya nanak niya basya sa gabi lang siya pwede mag ML o pag tulog na anak namin.

Sakin din mahilig sa ML as in. Pero pag tiningnan ko na sya ng di maganda di na sya mag lalaro. Di na din sya masyadong umaalis kasama barkada nya. Sinasabayan ko din mag ML minsan. Hehe. Sabayan mo nalang dun. Mwehehehe

Ako! Ganyan na ganyan mister ko. Nababanas ako palagi kasi, puro ml ina atopag! Puyating tao pero, yung anak niya hindi niya, mapag puyatan. Ako palagi nag pu-puyat sa anak ko. Cesarean pa naman ako.

VIP Member

Hahaha. Before nag download asawa ko ng ML sabi ko sa kanya uninstall na nya bago sya maaddict kasi mawawalan talaga sya time sa aming mag ina. Nakinig naman. Kaya siguro bihira din kame mag away.

Ganyan din asawa ko sobrang adik s ML pero iniintindi ko nlng kse kaligayahan nya yon pero nkakainis lng kse late n natutulog tpos aga p work nya kinabukasan Hays pang alis pgod dw sabe nya