May chance ba mamana ni baby ang pagka anti social ng nanay?

Sino po same ko na introvert at may baby po? Hirap kasi puro puna nalang natatanggap ko sa mga tao. Pinapasyal na nga si baby sakanila pero andaming sinasabi na di daw namin nilalabas, na sasabihin sa harap ko na nagmana daw saken. Ano kaya pwede ko isagot sa mga tanong nila mii? Sa mga comment nila palagi na ganito ganyan si baby ko, masyado daw maarte at namimili ng kakarga sakanya. Btw 3months po si baby. Sobrang hirap kasi parang kasalanan ko bilang ina, kahit naman nilalabas namin siya. Kaming tatlo din madalas ni hubby makita ni baby kasi nakabukod po kami. Advise namanpo 🥺🥺🥺

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Best thi g to do is wag pansinin ang mga myan. same na same tayo sender since preggy pa lng ako nasa loob ng bahay lng ako gang manganak ako at nung nangank ako dko nilalabas s baby kasi nga sa bhay lng ako at lgi sinasabi ng mga kapatid ko na naririnig nila mga tao/kapitbahay na dko daw nilalabas c baby,pjnagdadamot,kinakahiya, mga ganoong bagay kaya sabi ko bat ko ikakahiya ung baby e ang gwapo gwapo. d bila alam iniiwas ko lng c baby sa mga mainit ang bibig, pag nasa church kasi kami andaming kumakarga sa knya puro ang cute, gwapogwapo ng bebe mo. mga ganoon,at natatakot tlga ako na mausog c baby.at yu g parati nilang sinasabi na kinukulong ko dw c baby,SANAY NA AKO kaya balewala na lng sakin mga naririnig ko.Ang importante naaalagaan ng mabuti c baby pero minsan nilalabas naman sya ng mga tita nya at lola.

Magbasa pa

3months palang si baby andami ng puna. dapat nga hindi yan masyado iginagala at naliit pa. baby ko 5-6mos nung nadalas lumabas sa maraming tao (tambayan sa harap ng tindahan ng mother ko). I'm also an introvert kaya same case mii ayoko din na introvert ang baby ko paglaki ang hirap kasi lagi di komportable even sa school. Make sure na hindi mo hahayaang matagal na walang kalaro/kausap si baby jaan sya mag dedevelop eh kung pano makisalamuha. and bawas din screentime lalo pag lumalaki laki na. make your baby feel safe being with people pero syempre iba naman kapag strangers na. ikaw mii mamimili kung kanino mo gusto malapit si baby. but for now don't worry pa muna dahil 3mos palang naman. wag mo nalang muna pansinin mga kineme ng iba

Magbasa pa
VIP Member

Hello. Normal po yun sa baby. Kahit pa sa toddler-preschool normal parin. Sakin 2y6m na, hindi daw sanay sa specific na tao, at umiiyak at naglililiyad. Ine-explain ko lang na normal yun sa baby at ginagawa kong example yung ibang batang relatives na ganon din ang ugali nung toddler. Sa 3 months old normal talaga, imagine 9 months sa tyan mo tapos all of a sudden nasa labas at kung sino-sinong hindi niya kilala kukuha sakaniya. Advice ko sayo mag basa or manuod ka lagi ng child development, milestone and behavior per age para may maisasagot ka kapag may mga comment sila na hindi mo nagugustuhan.

Magbasa pa
1y ago

Mii minsan dedma ko nalang po kahit nasasaktan ako sa mga comment nila. Baka ako pa po ung maging masama kapg sumagot po ako. Sobrang extrovert po fam ng hubby ko.. baliktad po kami. Hehehe

The best po ‘yung nakabukod kayo. Another thing is limit or huwag na po kayong pumasyal sa kanila para hindi na po sila makapagbigay ng side comments sa inyo. Imagine 3 mos pa lang pinapasyal niyo na si baby eh sila nga dapat bumibisita sa inyo, right? Second, not your fault po na you have an introvert personality so as much as possible, don’t blame it to yourself. Lastly, hindi po siya namamana but your child can adapt it as your baby grows. Pero kung ayan nga pinpasyal niyo and nilalaro niyo si baby, may social interactions siya mhie so keri lang.

Magbasa pa

keri lng yan mii... iwasan ang mga taong ganyan..mga judgemental..akala nman may ambag sa pagpapalaki ni baby...ganyan din kc nangyayari sa lo ko.. aloft sya sa side ng tatay nya tpos andami na nila sinasabi na kesyo nakakulong lang daw kc sa kweba kaya di lumalapit sa knila...pinipigilan ko lng sarili ko na sumagot....ang totoo iniiwas ko sa knila anak ko...ok nman anak ko sa ibang tao...mga asal kanal kasi kakairita

Magbasa pa

same sakin mhie, mula baby hanggang 9y/o na anak ko, sanay siya na dito lang sa bahay, ayaw niya nakikisalamuha sa ibang tao. sanay kasi siya na kmi lng dito sa bahay kasama niya at wala siya pakiaalam kung ngkakasayahan pa ang mga bata sa labas. pina praktis ko nga na bumili sa tindahan, nahihiya palagi at ngpapasama pa.😁 kaya ok lng yan. wag mo pansinin sinasabi ng iba.

Magbasa pa

Di po sya namamana mii pero pwede ma-adopt ng baby. For example tahimik kang tao or taong bahay malaki ang chance ma-adopt yan ng baby mo since di niya nakikita or naririnig na maingay ka. Kase kung tahimik tayo na tao may tendency na di ntin makausap or ma-enterntain ng maayos yung anak natin,in the end syempre lalaki din syang tahimik kse nga yun ang nakikita niya sa atin.

Magbasa pa
1y ago

Introvert ako sobra mii pero pagdating sa baby ko dinadaldal ko po siya tyaka napapatawa ko po ng malakas hehe. Ayaw ko po kasi na lumaking tahimik si baby, iexpose din po namin siya sa mga activities pag nag school na siya…

ako mii introvert. ganian din anak ko ,now 7 y/o na. mas gusto din ng anako sa bahay lang lagi. kapag pinapalabas namin ayaw nia. pero ok lang po un atleast kapag lumaki hndi mababarkada kung kani-kanino. ung mga ganian mamimili ng pakikisamahan. like anak ko, kapag alam nia sa tingin nia pa lang ung tao di okay. mas piliin na lang dto sa bahay

Magbasa pa

introvert din ako mi, same lagi lang din kami nasa loob ni baby ng ganyang mga 1-3months sya, ska mi baka di lang komportable saknila si baby mo, ganyang edad di pa naman na ngingilala eh, saka tahimik naman talaga baby pag binuhat lalo pag di nanay ang may buhat, pag dating ng 4months nyan sisigaw sigaw nayang baby mo kahit wala kausap ahahha

Magbasa pa

pag tinanong ka bkit namimili ng mg bubuhat si baby, sabhin mo nlng ayaw ni baby sa p4ng3t✌️😂 chos lang po pero normal po tlga na mangilala si baby Mii mas better nga yun pra iwas din sa virus/sakit.. tska mdami pa nmang araw/ buwan pra masanay sya s ibang tao,. wag silang atat bka pg s knila ipaalaga/bantay d nila mgawa ng maayos.

Magbasa pa