May chance ba mamana ni baby ang pagka anti social ng nanay?

Sino po same ko na introvert at may baby po? Hirap kasi puro puna nalang natatanggap ko sa mga tao. Pinapasyal na nga si baby sakanila pero andaming sinasabi na di daw namin nilalabas, na sasabihin sa harap ko na nagmana daw saken. Ano kaya pwede ko isagot sa mga tanong nila mii? Sa mga comment nila palagi na ganito ganyan si baby ko, masyado daw maarte at namimili ng kakarga sakanya. Btw 3months po si baby. Sobrang hirap kasi parang kasalanan ko bilang ina, kahit naman nilalabas namin siya. Kaming tatlo din madalas ni hubby makita ni baby kasi nakabukod po kami. Advise namanpo 🥺🥺🥺

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

The best po ‘yung nakabukod kayo. Another thing is limit or huwag na po kayong pumasyal sa kanila para hindi na po sila makapagbigay ng side comments sa inyo. Imagine 3 mos pa lang pinapasyal niyo na si baby eh sila nga dapat bumibisita sa inyo, right? Second, not your fault po na you have an introvert personality so as much as possible, don’t blame it to yourself. Lastly, hindi po siya namamana but your child can adapt it as your baby grows. Pero kung ayan nga pinpasyal niyo and nilalaro niyo si baby, may social interactions siya mhie so keri lang.

Magbasa pa