May chance ba mamana ni baby ang pagka anti social ng nanay?

Sino po same ko na introvert at may baby po? Hirap kasi puro puna nalang natatanggap ko sa mga tao. Pinapasyal na nga si baby sakanila pero andaming sinasabi na di daw namin nilalabas, na sasabihin sa harap ko na nagmana daw saken. Ano kaya pwede ko isagot sa mga tanong nila mii? Sa mga comment nila palagi na ganito ganyan si baby ko, masyado daw maarte at namimili ng kakarga sakanya. Btw 3months po si baby. Sobrang hirap kasi parang kasalanan ko bilang ina, kahit naman nilalabas namin siya. Kaming tatlo din madalas ni hubby makita ni baby kasi nakabukod po kami. Advise namanpo 🥺🥺🥺

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hello. Normal po yun sa baby. Kahit pa sa toddler-preschool normal parin. Sakin 2y6m na, hindi daw sanay sa specific na tao, at umiiyak at naglililiyad. Ine-explain ko lang na normal yun sa baby at ginagawa kong example yung ibang batang relatives na ganon din ang ugali nung toddler. Sa 3 months old normal talaga, imagine 9 months sa tyan mo tapos all of a sudden nasa labas at kung sino-sinong hindi niya kilala kukuha sakaniya. Advice ko sayo mag basa or manuod ka lagi ng child development, milestone and behavior per age para may maisasagot ka kapag may mga comment sila na hindi mo nagugustuhan.

Magbasa pa
2y ago

Mii minsan dedma ko nalang po kahit nasasaktan ako sa mga comment nila. Baka ako pa po ung maging masama kapg sumagot po ako. Sobrang extrovert po fam ng hubby ko.. baliktad po kami. Hehehe