May chance ba mamana ni baby ang pagka anti social ng nanay?

Sino po same ko na introvert at may baby po? Hirap kasi puro puna nalang natatanggap ko sa mga tao. Pinapasyal na nga si baby sakanila pero andaming sinasabi na di daw namin nilalabas, na sasabihin sa harap ko na nagmana daw saken. Ano kaya pwede ko isagot sa mga tanong nila mii? Sa mga comment nila palagi na ganito ganyan si baby ko, masyado daw maarte at namimili ng kakarga sakanya. Btw 3months po si baby. Sobrang hirap kasi parang kasalanan ko bilang ina, kahit naman nilalabas namin siya. Kaming tatlo din madalas ni hubby makita ni baby kasi nakabukod po kami. Advise namanpo 🥺🥺🥺

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

3months palang si baby andami ng puna. dapat nga hindi yan masyado iginagala at naliit pa. baby ko 5-6mos nung nadalas lumabas sa maraming tao (tambayan sa harap ng tindahan ng mother ko). I'm also an introvert kaya same case mii ayoko din na introvert ang baby ko paglaki ang hirap kasi lagi di komportable even sa school. Make sure na hindi mo hahayaang matagal na walang kalaro/kausap si baby jaan sya mag dedevelop eh kung pano makisalamuha. and bawas din screentime lalo pag lumalaki laki na. make your baby feel safe being with people pero syempre iba naman kapag strangers na. ikaw mii mamimili kung kanino mo gusto malapit si baby. but for now don't worry pa muna dahil 3mos palang naman. wag mo nalang muna pansinin mga kineme ng iba

Magbasa pa