Sa akin, mi, nagpa ABR na kami. Thankfully, normal ang hearing ni baby according sa results ng ABR. Ang suggestion ko pa din po ay punta kayo sa ENT para ma-assess. Accdg po sa ENT ni baby ko, continue monitoring to check kung responsive sya sa noises at environmental sounds. Kung may mapansin daw kami na hindi sya nagrerespond, may kasunod na test ang gagawin sa kanya. Accdg din sa ENT, early intervention ang key in the event na may hearing loss ang bata kasi the earlier ang intervention, the better ang outcome for them para sa kanilang language devt. Kapag ang bata daw ay umabot na ng 6 years old with no intervention (tulad ng hearing aids and/or therapy), maaaring too late na para ma-develop pa ang kanyang speech. Ang tanging magagawa ay turuan sya ng sign language, na sabi nga ni doc, parang pinaliit na natin ang mundo ni baby kung aasa lang sa sign language. Mahirap po tanggapin na possibleng may problema kay baby pero trust the doctors po. Kung di kayo convinced, then seek second or third or fourth opinion pa nga. God bless and hopefully maging ok na din po result ng hearing test ng babies nyo.
Magbasa pa