College enrolled at buntis

Sino po nag aaral dito while pregnant? 😢 3rd year college napo ako at 6 months na tiyan ko, required sa School namin ang mag uuniform. At ka classmate ko lang yung ama nang baby ko, long time boyfriend ko kaso iniwan ako nang malaman na buntis ako, awang awa ako sa sarili ko, sa tuwing nakikita ko sya na bwebwesit ako. Kaya isa rin sa dahilan na hindi ko gustong ipaalam mo na na buntis ako kasi may ibang classmate namin na alam na magka relasyon kami. Pa advice naman po, mag sto-stop nalang ba ako nang pag aaral? Or continue nalang kaso mas lumalaki na tiyan ko, ayaw ko ma discriminate 😢😢😢 Pa advice mga moms 😢 ayaw ko makita ama nang baby ko.

35 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Be strong mie! Jesus loves us! Hanggat kya Po ipagpatuloy nyo p rin Po ung pag aaral nyo pra sa better future nyo ni baby. re sa uniform, have u asked ur prof na ba? bka sakaling may excuse nmn since mabilis Kase lalaki tyan ng preggy. kht white dress n lng sna for u. may mga Kilala me na ganyn din Ang situation noon. they pushed through kht na malaki Ang tyan during graduation. ayun sa biyaya ng Diyos maayos nmn Po mga Buhay nila ngaun, May magandang work.

Magbasa pa