College enrolled at buntis

Sino po nag aaral dito while pregnant? 😢 3rd year college napo ako at 6 months na tiyan ko, required sa School namin ang mag uuniform. At ka classmate ko lang yung ama nang baby ko, long time boyfriend ko kaso iniwan ako nang malaman na buntis ako, awang awa ako sa sarili ko, sa tuwing nakikita ko sya na bwebwesit ako. Kaya isa rin sa dahilan na hindi ko gustong ipaalam mo na na buntis ako kasi may ibang classmate namin na alam na magka relasyon kami. Pa advice naman po, mag sto-stop nalang ba ako nang pag aaral? Or continue nalang kaso mas lumalaki na tiyan ko, ayaw ko ma discriminate 😢😢😢 Pa advice mga moms 😢 ayaw ko makita ama nang baby ko.

35 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

bebe much better kung ituloy mo un pagaaral mo kasi para kay baby yan. un ex mo naman hayaan mo sya wag mong pansinin wag mo stress un sarili mo sakanya tandaan mo ang pag nasstress ka stress din c baby. wag mo isipin un sasabhin ng iba as long as wala kang ginagawang mali oh natatapakan na tao. mas ok nga un makita ka nya atleast alam nya na di mo sya kagaya na tinakbuhan ang reposibilidad para lang masabi na binata everyday makikita ka nya everyday din sya makukunsensya. hindi mo sya deserve.

Magbasa pa