College enrolled at buntis

Sino po nag aaral dito while pregnant? 😢 3rd year college napo ako at 6 months na tiyan ko, required sa School namin ang mag uuniform. At ka classmate ko lang yung ama nang baby ko, long time boyfriend ko kaso iniwan ako nang malaman na buntis ako, awang awa ako sa sarili ko, sa tuwing nakikita ko sya na bwebwesit ako. Kaya isa rin sa dahilan na hindi ko gustong ipaalam mo na na buntis ako kasi may ibang classmate namin na alam na magka relasyon kami. Pa advice naman po, mag sto-stop nalang ba ako nang pag aaral? Or continue nalang kaso mas lumalaki na tiyan ko, ayaw ko ma discriminate 😢😢😢 Pa advice mga moms 😢 ayaw ko makita ama nang baby ko.

35 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Tuloy mo ang pag aaral lalo hindi naman maselan ang pinagbubuntis mo. Dapat mas lalo kang maging determinadong mag aral at abutin ang mga pangarap mo dahil may rason ka na para mas pag igihan ang lahat. Yung ex mo hayaan mo na sya, wala syang kwentang partner at ama ng magigibg baby mo. Sa mga sasabihin ng iba, ipasok mo sa isang tenga ilabas mo sa kabila. Wag mo isipin ang sasabihin ng iba dahil may gawin o wala man may masasabi silang di maganda sayo. Ignore mo na lang beh. Mangarap ka, kaya mo yan, kaya nyo yan ni baby mo at ng parents mo.

Magbasa pa