College enrolled at buntis

Sino po nag aaral dito while pregnant? 😢 3rd year college napo ako at 6 months na tiyan ko, required sa School namin ang mag uuniform. At ka classmate ko lang yung ama nang baby ko, long time boyfriend ko kaso iniwan ako nang malaman na buntis ako, awang awa ako sa sarili ko, sa tuwing nakikita ko sya na bwebwesit ako. Kaya isa rin sa dahilan na hindi ko gustong ipaalam mo na na buntis ako kasi may ibang classmate namin na alam na magka relasyon kami. Pa advice naman po, mag sto-stop nalang ba ako nang pag aaral? Or continue nalang kaso mas lumalaki na tiyan ko, ayaw ko ma discriminate 😢😢😢 Pa advice mga moms 😢 ayaw ko makita ama nang baby ko.

35 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nandyan na yan. Focus ka na lang kay baby mo. Ang dami na din ngayon na buntis na tuloy pa din sa pag aaral. Wag mo isipin yung mga taong ididiscriminate ka. Mas kaawaan mo sila kasi ganon sila mag isip. At sa long time boyfriend mo... ipakita mo na kayang kaya mo. Nandyan naman family mo to support you. Wag mong ipagpaliban yung pangarap mong makatapos dahil lang sa lalaki at discriminations. Wag kang magpapakita ng weak spots! God Bless you Mi 🙏 ❤️

Magbasa pa