ANAK SA UNANG KINAKASAMA

Sino po dito yung partner nila may anak sa una? Kamusta po ugali nila? Every Sunday kasi off ng asawa ko. Yes, asawa po kasi kasal kami. May anak po sya sa una nyang nakalive in at 7 years old na. Every Saturday night is sinusundo na ng asawa ko yung bata at ibabalik ng Sunday ng gabi sa nanay. Nagstart po last year yung ganitong set up. Yung bata po is medyo may attitude. May anak na din po kami ng asawa ko. 2 years old. Same silang girl. Every time na nandito yung bata, lagi nyang nasasaktan anak ko. May mga times na umiiyak anak ko dahil nakikita ko na lang na tinutulak sya, pinapalo o kaya inaagawan ng toys ng bata. Sinasabihan din na ugly yung anak ko. Noong una nakakapagpasensya pa ko. Kinakausap ko yung bata na wag gawin yun sa kapatid nya kasi bad yun. Ang ending mag iiyak yung bata at sasabihan akong evil witch. Kaya kami ng asawa ko ang nagkaka away lagi dahil akala nya pinapatulan ko yung bata. Last week napuno na ako. Tinulak na naman nya anak ko, nauntog sa may pader tapos tawa sya ng tawa habang iyak ng iyak yung anak ko. Akala nya hindi ko nakita, kaya napalo ko talaga sya. Ang hirap mga momsh

39 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hay hnd q kaya ang ganyang set up magpapakatotoo aq.. bahala ng matawag na maldita wag lang ang anak q ang masasaktan.. if ako di na ako papayag na mag stay jan ung step daughter q.. cgurado kasi yan ang pagmumulan ng pagkakalabuan nyo ng mister mo.. kung gusto makasama ng mister mo ang anak nya sa una. ipasyal nlang nya every sunday tas iuwi na agad sa mama nya. para maiwasan ang pag aaway ng mga bata.. isama nyo nalang cla ipasyal pareho para makapag bonding cla. wag na iuwi sa bahay nyo..

Magbasa pa