ANAK SA UNANG KINAKASAMA

Sino po dito yung partner nila may anak sa una? Kamusta po ugali nila? Every Sunday kasi off ng asawa ko. Yes, asawa po kasi kasal kami. May anak po sya sa una nyang nakalive in at 7 years old na. Every Saturday night is sinusundo na ng asawa ko yung bata at ibabalik ng Sunday ng gabi sa nanay. Nagstart po last year yung ganitong set up. Yung bata po is medyo may attitude. May anak na din po kami ng asawa ko. 2 years old. Same silang girl. Every time na nandito yung bata, lagi nyang nasasaktan anak ko. May mga times na umiiyak anak ko dahil nakikita ko na lang na tinutulak sya, pinapalo o kaya inaagawan ng toys ng bata. Sinasabihan din na ugly yung anak ko. Noong una nakakapagpasensya pa ko. Kinakausap ko yung bata na wag gawin yun sa kapatid nya kasi bad yun. Ang ending mag iiyak yung bata at sasabihan akong evil witch. Kaya kami ng asawa ko ang nagkaka away lagi dahil akala nya pinapatulan ko yung bata. Last week napuno na ako. Tinulak na naman nya anak ko, nauntog sa may pader tapos tawa sya ng tawa habang iyak ng iyak yung anak ko. Akala nya hindi ko nakita, kaya napalo ko talaga sya. Ang hirap mga momsh

39 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi momsh.. Yung partner ko po may ampon syang bata 7 yrs. old na din. Ampon nila nung dati nyang asawang namatay. Okay din naman sya pero spoiled lang. Pero yung maganda is takot sya sakin, mas may takot sya sakin kesa sa partner ko. Kahit di ko naman sya inaano, at okay din naman kami ng bata mas okay rin na may takot sayo ang bata. Tapos pag usapan nyo din ng husband mo. Kasi minahal mo ang husband mo, dapat mahalin mo din ang mahal nya 😊

Magbasa pa