5months preggy

Sino po dito mga momsh nahihirapan magpupu ..?tas ung pupu nasa pwet na nakadikit gusto lumabas ... Ayaw lumabas parang bato .. Tas pag lumabas na may kasama dugo ..

18 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Constipation 'yan sis, dala ng pagre-relax ng digestive muscles natin while pregnant, at saka pag-take ng iron/ferrous sulfate supplement. Pinahirapan din ako nyan on my first trimester, pero itong second trimester hindi na. Increase your water intake, also up your fruit and veggies and do not forget to exercise for 30minutes daily (kung hindi naman po kayo pinapag-complete bedrest ni OB). Sa akin nakatulong talaga 'yung more water and 30-45 minutes of walking everyday, mga 5-6days a week. Nakakatawa nga kasi automatic pag-uwi ko natatae na ako hahaha. Hinog na papaya po ang pinakamalakas magpa-poops sa akin na fruit, saka pakwan or melon. Oatmeal rin pala paminsan-minsan 'pag tinatamad ako kumain 'yun lang dinner ko mabilis rin magpa-poop. Sana makatulong. Dagdag ko lang pala na 'wag ka masyadong umiire kasi nakakapagpa-spotting 'yan sis. Delikado kasi same muscles lang gamit natin pag-ire sa poops at sa bata. Delikado rin baka magka-almoranas ka, masakit 'yun sis.

Magbasa pa