Nana sa ulo

May nana sa ulo anak ko, kung ihihiga ko sha umiiyak Sha tapos nilagnat ano poba dapat gawin dito first time mom po ako at 8 months na baby ko

Nana sa ulo
19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi, Mommy! Unang-una, huwag mag-alala. Naiintindihan ko kung gaano kahirap ang ganitong sitwasyon lalo na kung first time mom ka. Heto ang mga hakbang na maaari mong gawin: 1. **Paglilinis ng Sugat**: Una, siguraduhin mong malinis ang sugat sa ulo ng iyong anak. Hugasan ito gamit ang maligamgam na tubig at mild na sabon. Pagkatapos, patuyuin ito gamit ang malinis na tuwalya o bulak. 2. **Antiseptic Ointment**: Maglagay ng antiseptic ointment sa sugat para maiwasan ang impeksyon. 3. **Panatilihing Malinis at Tuyo**: Siguraduhing laging malinis at tuyong-tuyo ang sugat. Iwasang mabasa ng pawis o tubig ang sugat. 4. **Kontrolin ang Lagnat**: Para sa lagnat ng iyong baby, maaari mo siyang painumin ng paracetamol ngunit siguraduhing tama ang dosis ayon sa timbang at edad ng iyong anak. Sumangguni sa pediatrician bago magbigay ng anumang gamot. 5. **Kumonsulta sa Doktor**: Dahil may nana sa ulo at nilagnat ang iyong anak, pinakamabuti pa rin na kumonsulta ka agad sa pediatrician upang mabigyan siya ng tamang gamot at ma-monitor ang kanyang kondisyon. 6. **Sunblock para sa Bata**: Kung kailangan mong ilabas ang iyong anak, siguraduhing protektado ang kanyang balat. Maari mong subukan itong sunblock para sa bata: [Sunblock for Baby](https://invl.io/cll7hpj). Ingatan ang iyong sarili at ang iyong anak. Mahalaga ang konsultasyon sa doktor para makasigurado na walang komplikasyon ang sugat ng iyong baby. Sana gumaling siya agad! https://invl.io/cll7hw5

Magbasa pa

deligado to mii baka mapunta sa utak ang impeksyon kaya dapat maagapan at mabigyan ng gamot ng Pedia.. dapat Asap na delikado lalo na naglalagnat na.. hindi po dahilan ang first time mom.. makikita mo naman na nahihirapan si baby matic na yan dapat pacheckup

Ipa check up nyo po agad. Wag po manghinayang sa gagastusin lalo na kung ikapapanatag ng loob nyo at ikagagaling agad ni Baby. Kasi hindi naman po masasabi ng bata kung anung nararamdaman nya or kung saan masakit.

dalin mo sa doktor hindi yung ipopost mo pa dito, hindi yan gagaling sa pagpopost mo. common sense lang, kawawa ang bata sayo pinaabot mo pa sa ganyang sitwasyon.

yung mga ganyan hindi na po dapat tinatanong. magkusa na po kayong patignan anak nyo baka maimpeksyon pa yan nasa ulo pa naman.

VIP Member

Parang pigsa po ito. Ipa-check up niyo po para maresetahan ng gamot. Nagkaroon kasi yung 3 yrs old ko ng pigsa din sa ulo.

Idala mo sa pedia be, kung wala kang pera,idala mo sa public hospital. Wag pong tanga,nanay ka na po.

Kelangan nyo po ipa check up anak nyo para ma assess & mabigyan ng tamang gamot.

pacheck up mo te. nahihirapan anak nyo sa sugat tapos di nyo pinapacheck up

di nyo na po sana tinatanong kung ano gagawin pacheck up nyo na agad dapat