Sino dito ang di okay relasyon sa biyenan? Kami ok naman. May sarili kaming bahay pero since high risk ako mag buntis noon bumaba muna kami. Kapitbahay lang namin mga biyenan ko. Mag isa kasing anak asawako. Pero minsan nakakairita din sila dahil ang hilig mangealam. Alam ko namang first apo nila itong baby ko pero nakakabwisit sa pang iistorbo lalo na yung babae halik ng halik kahit alam na pinapatulog ko. Ito namang tatay ng asawa ko OA rin nung unang mga buwan ni baby konting iyak lang gusto padedehin agad. Aba gusto lang itong baby ko pag di umiiyak pero pag naiyak na at colicky din si baby, iritado na siya kesyo daw naiistorbo tulog niya. At eto pa gusto kasi mil ko lagyan ng mainit na tubig yung pang gatas ni baby pero ako di ko na nilalagyan kasi baka masanay ksi yun din ginagawa sa pamangkin ko pure na distilled di na kelangan maaligamgam suggest din ksi ng hipag kong nurse tapos sabi ng tatay ng asawa ko. Bakit doctor daw ba hipag ko? Hello! Ano bang alam nila at bakit kasi nangengealam din sila? Haaay. Ang hirap makisama sa di mo kapareho ng pag iisip. Alam kong mas may experience sila dahil 1st time naman namin pero sana i-guide lang kmi hindi lahat ng kilos at iyak ng baby ko nangengealam sila