Single Mom Need Advice, Please pakibasa kahit mahaba🙏

Single mom ako, no support sa father ng anak ko since buntis palang ako.. Mula buntis ako hanggang nanganak na andito nako sa poder ng magulang ko.. hindi kami mayaman saktong pamumuhay lang ang meron kami.. Kaya naawa ako sa anak ko gusto ko ibigay mga pangangailangan nya, 3months palang sya kaso wala ako magawa kasi umaasa lang kami sa magulang ko.. Need ko ng Advice, kinausap ko mama ko Sabi ko pag nag 1year old na anak ko magwwork na ako alagaan nya anak ko para naman kahit papano may maitustos ako sakanya at makabawi ako sa lahat ng gastos nila samin mag ina.. Kaso nasaktan ako sa sinabi sakin ng mama ko, hindi nya daw aalagaan ank ko kung gusto ko daw ipaalaga ko dun sa nanay ng ama ng anak ko. Nasaktan ako kasi my plano na ako tapos biglang ganun ssbhn sakin, ang una kong naisip agad paano na? paano na kami ng anak ko ?nsasaktan ako kc habang lumalaki sya hindi ko maibigay pangangailangan nya, paano ako mkkpag work wala mag aalaga sa anak ko? aasa nalang ba kami lgi? Ang hirap kasi yung inaasahan kong magulang Ayaw alagaan yung apo nila😭 siguro selos din nrramdaman ko kasi yung ate ko nanganak mula baby hanggang 4yrs old sya nag alaga,kc teacher ate ko, my pera may pang upa samantalang yung anak ko ayaw nya alagaan, siguro dahil wala namn ako natapos at permanenteng work. Kaso ang point ko ayoko ng maging pabigat sakanila, kaya gusto ko magwork para sakanila din yun at sa anak ko. Kaso wala ako magagawa dhil walang mag aalaga kundi ako.😟 Nakakasama ng Loob. Advice naman po ano ba dapat kong gawin?

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy. Pwede mo po obligahin na mag sustento ang tatay ng baby mo. Magpatulong po kayo sa nearest na police station na may Women's Desk. Bilang tatay, obligasyon po nyang sustentuhan ang baby nyo. Bilang anak, may karapatan po ang baby na makakuha ng sustento mula sa tatay. Bilang nanay, may karapatan po kayong humingi ng financial support para sa baby nyo. Pag hindi po sya nagsustento ay pwede po syang makasuhan. May laban po kayo. ☺ Yung sa pag-aalaga naman po, siguro po nabigla lang ang mama nyo nung nabanggit nyo ang balak nyo. Kausapin nyo po ulit. Wala naman pong hindi nasosolusyunan sa maayos na pag-uusap. Hindi naman din po nila matitiis ang apo nila. Tanggapin nyo na lang po kung ano man ang maaaring masakit na masabi nila bilang consequence po ng nangyari sa inyo. Kaya mo yan mommy. Pray lang palagi at huwag ka mawawalan ng tiwala kay Lord. ☺

Magbasa pa
5y ago

Salamat po. ♥️