May mali ba sakin?

Gusto ko na talaga bumukod kasi sobrang hirap makisama dito samin. Pakiramdam ko, hindi counted ang opinion ko dito. Sobrang hirap mag suggest kasi nagiging masama ang dating sa kanila. Kagaya nalang kanina. Yung kapatid ko kasi nasa ibang bansa. Tapos nandito ang anak nya nakatira sa Pilipinas sa tintirhan ng mama ko na bahay din ng kapatid kung isa. Online class na, may isa syang anak na ubod ng tamad. Hindi umaalis ng kwarto palagi lang nakahilata at nakikipag usap sa gf nya at nag lalaru ni hindi nga kumakain kasi inuuna ang pag lalarun. Pero hindi naman yan ang issue. Ang issue is palagi nya pinapasagutan sa nanay nya ang mga assignment, Quiz at kung anu anu pang activity. Tapos yung nanay nya sa akin pinapasagutan. Una, kinausap ko ang anak nya. Na kapag kailangan nya ng tulong lumapit sya sakin at igaguide ko sya. Pero hindi pwde na ako yung mag sasagot or gagawa ng mga kailangan nyang gawin. Pero hindi sya nakinig sakin at doon pinapasa pa dn nya mga activity nya sa mama nya para mama nya mag sagot kaso busy kasi ang nanay nya kaya pinapasa nya sakin para ako ang gumawa at mag sagot. One time may pinapagawa ang anak nya at pinasa nya sakin medyo nag buffering ako that time kasi long essay pala ang kailangan kaso wala ako maisip maidugtong sa nasimulan ko na sentence kaya hinayaan ko muna naisip ko balikan ko nalang mamaya. Kaso nakalimutan ko gawin ang activity ng anak nya kasi busy dn ako sa pag aalaga sa anak ko at paglilinis ng bahay, pag huhugas at kung anu anu pa. Then nawala na sa isip ko at kinubukasan ng umaga ko nalang sya naalala at minadali kong gawin at pinasa sa kanya pag katapos. At kinubukasan. Kinwestion ako ng nanay nya bakit ngayon ko lang pinasa sa kanya. So sabi ko, madami dn kasi ako ginawa kahapon kaya nawala sa isip ko. At sabi ko pa baka pwde wag nya sanayin yung anak nya na siya ang nag sasagot ng module or activity nya kasi hindi matoto anak nya paanu dumiskarte at naasa nalang satin. Paanu nalang pag nag face to face na, wala naman tayo dun para mag sagot ng kailangan nyang sagotan. Tapos para mawala yung tense nag biro pako na anu bayan! Tapos na nga ako mag aral. Mag aaral pa pala ako ulit. Tapos ayun nagalit sya ang dami ko daw sinasabi nakikiusap lang naman daw sya sakin. Sobrang hirap mag nakikisama talaga. Siguro nga may mali sakin. Palagi kasi ako na mimisinterpret ng mga tao dito sa bahay. Sana next year makabukod na talaga kami. Pero sisikapin ko talaga makabukod kami kahit anung mangyari. Mga Nay? May mali ba sa sinabi ko? Sobrang stress talaga ako. Kasi sobrang hirap ako ipaintindi palagi side ko sa kanila. Minsan parang ayaw ko nalang talaga mag salita para wala nalang madaming sasabhn.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Actually, ginawa nyo yung best nyo sa pamangkin nyo at wala po ako nakikitang malinsa ginawa at sinabi niya. One time ipakita nyong nagagalit kayo. Ako ang ganagawa ko, pag nababadtrip ako sa kapatid ko, nag dadabog ako. For me effective yon hehe try nyo lang din. Tsaka mas okay po talaga na bumukod kayo. Ang hirap na nag aalaga na nga kayo ng baby nyo tas may magpapagawa pa ng assignment sainyo tas instead na thank you, nagalit pa. Hndi magandang attitude po yon.

Magbasa pa
3y ago

Sila yung ayaw magpacorrect. Nako negative aura yan, sana makabukod na po kayo. 🙏 Sa ngayon, Tayong nakakaintindi na lang mag adjust hehe. Bilog naman ang mundo 😁

ilang taon na po ba yung pamangkin mo?

3y ago

Jusko 19? tapos nagpapagawa pa ng assignments? hindi ba pinagsasabihan ng nanay niya yan? alam ngang mag jowa pero mag aral hindi inaatupag malaki na yan momsh dapat di niya kinukunsinti okay lang naman magpa tulong kung hindi niya alam pero yung i aasa niya sa ibang tao yung responsibilidad niya maging estudyante aba edi sana di na in enroll yan sayang lang sa tuition kung ikaw lang din natututo momsh. Daig pa siya ng pamangkin kong 15 yrs old masinop mag aral. tsaka di mo po kasalanan yun utang na loob pa nga dapat nila yun sayo kasi imbis na anak mo lang aasikasuhin mo meron pang pabigat na ganyan tsaka dapat di niya pinagbibigyan gusto masyadong bini baby