20 Replies

Concern ko din 'to nung una, buti na lang on track naman sa paglaki si baby and kinaya ng normal delivery. Kung ganun talaga genes nya, ganun talaga sya lalabas. Probably best to talk to your ob na lang, and be prepared for CS (marami namang reasons bakit CS, hindi lang depende sa size ni baby, it's just better to be prepared). In any case, kaya mo yan mommy, trust and follow your ob. They'll do their best to keep you and your baby safe. Good luck!

dpende nmn po sa pag aalaga nyo sa pagbubuntis nyo e..iwasan ang sobrang pagkain ng mrmi pra di lumaki si baby sa tyan, then pglabas nya mbilis na yn lumaki kung sa daddy magmamana, kht maliit sya sa tummy mo..mbilis tatangkad o lalaki yan.. si hubby ko 5'10 , nagnama si baby ko s knya..pero mliit lng sya nun nilabas ko..

VIP Member

6 feet tall din asawa ko tas ako 5 feet haha pero nung ipanganak ko panganay ko saktong 7 pounds lang. nasa kinakain yan. less sa matamis, rice at fatty. more on veggies, fruits, saka meat/fish. nung nag-7 mos na tyan ko halos di nako nagririce. kaya di rin ako nahirapan manganak. 3 pushes nailabas ko na hehe

yun din po advise ni MIL. Malalaman ko po ulit pag balik kay OB kung malaki talaga. Last ultrasound kasi sabi ni ob mas malaki daw yung size compared sa age niya 😑 puro sabaw, gulay at konting rice lang po ako. more on snacks lang pag nagugutom. Tapos di din po ako mahilig sa matamis.

Relate po ako jan. Same tyo ng height and my husband is 6’2 and malaki ang built nya as in. And true enough, ang laki ng baby ko. Actually sa ultrasound pa lang sinabi na sa akin ng OB ko na malaki si baby. 3.6kg via cs. And now my baby is 13kg at 11 months old 😆 mukang 2yo na sya as per his pediatrician

my hubby is also 6 footer ako naman almost flat 5 feet lang, malaki ung baby ko, mahaba siya kaya kahit ano diet ko noon, mabigat timbang ni baby, 3.3kilos siya nung lumabas, kaya ko naman sana inormal if di naubusan ng water or di siya ganoon kahaba at di maliit sipit sipitan ko.. kaso waley mahaba eh

hindi mataba baby ko nung lumabas, mahaba lang talaga siya, almost 52cm kaya mukhang 1 month na talaga siya.

Hahaha. Mas maliit pa ako sayo mommy pero delayed ng 2 weeks ang growth ni baby kaya pinagalitan ako ni OB. Binigyan niya ako ng diet na pampalaki ng baby kaya ayun, biglang laki, lumampas tuloy ng 3 kg. Antagal ko tuloy naglabor. Pero okay lang nakakatuwa din na malaki si baby agad hehehe

haha wag po kayo mag alalal malaki din baby nyo po ako 6'2 ung asawa ko then ako 5'2 kala ko maliit lang baby ko kse maaliit lang tyan ko nung nanganak ako 36 weeks and 4 days pa lang ako pero ung baby ko 6.3 pounds 😂😂 what if kung nsa full term pa aabot talaga ng 7 pounds 😂🙈

TapFluencer

Almost same tayo. But kasi wala ako disciplina sa food nun buntis ako, unli kain ako and wala ako activities. kaya un lumabas baby ko noon Dec 29 via CS weight niya was 3.51 kgs then height niya 50cm, ngayon mag-2 months na siya, weight niya is 6 kgs with height of 58 kgs. 😆

i think depende pa din po sa kinakain mo yan habang nagbubuntis ka, 4'11 lang ako and mister ko nsa 5'8 pero nung nilabas ko ung anak ko 2.8 kilo lang, anliit liit nya, pero naniniwala ako na pag matangkad either isa sa inyo ng asawa mo, sure matangkad din paglaki si baby

depende po sa mga kinakain natin. 5'2" lang ako and 5'7" lang hubby ko pero yung baby ko nung pinanganak 3.5kg and 54cm length nya. Ang haba nya. Kaya pag checkup or vaccination nya yung length nya ang napapansin. Ngayon 5mos pa lang sya 73cm na sya.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles