3months and 23days, characteristics?

Si baby po ay 3mos at 23 days, normal po b sa ganitong edad ang pagiging mgugulatin at matagal humimbing sa pagtulog. Siguro it takes 5-10mins bago sya makahimbing at during those mins walang humpay ang pag pupumiglas nya. Sige syang sipa sipa unat unat parang nakikiliting ewan. Diko alam bakit ganun. Meron po ba dito kasing edad ni baby at katulad din nya? Sana meron din para magkaroon ako ng peace of mind. Hindi na rin sya natutulog ng mahaba sa sa umaga hanggang hapon parang 30mins nap nalang lagi at laging iritable. Hirap na tuloy kumilos sa bahay.

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Si baby ko po ay 3.5mos din. Di na po siya masyadong magugulatin. Ang sleep niya po kapag day ay 30mins - 2hrs. Tapos dede and play. Kapag overstimulated po siya, dun po siya nahihirapan matulog, ito yung nagpupumiglas siya pag hinehele. Tipong irritated siya at naghahanap siya ng comfortable position niya para dalawin ng antok. During this time po sila hirap na makatulog. Ang ginagawa ko po ay sleep na siya every 1.5hrs para di mag-amok. 😅 Make sure din na well-fed si baby para mahaba ang tulog. Sa pagiging clingy and pabuhat, yes very clingy din siya. Haha. Tipong kulang na lang e maglagay ako ng poster ng mukha ko sa tabi niya. Basta po makita niya ko na malapit lang, aaluin ko lang like tapik tapik tapos matutulog na siya ulit ng kusa. Sa gabi naman po e dede na lang, burp and change diaper tas balik na ulit siya sa tulog. :)

Magbasa pa