3months and 23days, characteristics?

Si baby po ay 3mos at 23 days, normal po b sa ganitong edad ang pagiging mgugulatin at matagal humimbing sa pagtulog. Siguro it takes 5-10mins bago sya makahimbing at during those mins walang humpay ang pag pupumiglas nya. Sige syang sipa sipa unat unat parang nakikiliting ewan. Diko alam bakit ganun. Meron po ba dito kasing edad ni baby at katulad din nya? Sana meron din para magkaroon ako ng peace of mind. Hindi na rin sya natutulog ng mahaba sa sa umaga hanggang hapon parang 30mins nap nalang lagi at laging iritable. Hirap na tuloy kumilos sa bahay.

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Si baby ko po ay 3.5mos din. Di na po siya masyadong magugulatin. Ang sleep niya po kapag day ay 30mins - 2hrs. Tapos dede and play. Kapag overstimulated po siya, dun po siya nahihirapan matulog, ito yung nagpupumiglas siya pag hinehele. Tipong irritated siya at naghahanap siya ng comfortable position niya para dalawin ng antok. During this time po sila hirap na makatulog. Ang ginagawa ko po ay sleep na siya every 1.5hrs para di mag-amok. 😅 Make sure din na well-fed si baby para mahaba ang tulog. Sa pagiging clingy and pabuhat, yes very clingy din siya. Haha. Tipong kulang na lang e maglagay ako ng poster ng mukha ko sa tabi niya. Basta po makita niya ko na malapit lang, aaluin ko lang like tapik tapik tapos matutulog na siya ulit ng kusa. Sa gabi naman po e dede na lang, burp and change diaper tas balik na ulit siya sa tulog. :)

Magbasa pa

hi po. 3 months na din po si baby. at parang almost same po tayo ng naiexperience. hehe so far, same po tayo na clingy si baby. kung iba nagbabantay tahimik lang siya pero pag ako nagbabantay/nagbubuhat, ang dami niyang gusto. haha. sa tulog naman po, pag naka swaddle siya, madalas na po siya nagigising lalo na sa gabi kasi gusto niya mag unat ng katawan. pero pag si siya naka swaddle, ang himbing ng tulog kasi naaangat niya yung kamay niya. hehe.

Magbasa pa
1y ago

sa mga napanood ko na youtube video momshie, sleep regression ata tawag dyan. di lang po ako sure kung yun na ba yon. di niyo po tinry mag sleep training?

baby ko po 3months and 19 days sobra magugulatin sigri dahil sa lakas ng pandinig nya ultimo pagbagsak ng pinto mahina or may bumagbagsak magugulatin . sa pagtulog namn sa madaling araw kapag nagising sya panay p iglas ,sipa ungot ng ungot tas kusot mata kaya gingawa ko sa dibdib ko pinatutulog

1y ago

thank you mi sa pagsagot at least nagkaroon ako ng peace of mind

3 months and one week din bb ko bago matulog kahit nka dede lagi umiiyak at nka kamot sa ulo at mukha, unat ng unat din di mapakali yung paa at kamay sipa ng sipa iritable sya bago matulog ..sa umaga na mn 30mins to 1hr lng din ang nap nya at gusto nka karga lagi

1y ago

Akala ko may problema na si baby ko, normal pang pala tlgah pag ganung mga edad na hehe. Pero ngaun unti unti nnman nagbabago style nya, habang papalapit sya mag 4mos