kamusta ka?

sharing my struggles as a First Time Mom... "kamusta ka?" yan yung pinaka ayaw kong naririnig simula pa nung buntis ako. maybe there's a deep-seated psychological issue involved, but I always felt like wala akong ibang choice kundi ngumiti at sabihing "okay lang" every time may nangangamusta sakin. my whole life, that's what I did. yun yung normal para sakin, na regardless kung anong nararamdaman mo, you can't unload your problems on other people. just be polite and say you're okay... tsaka ko lang na-realize kung gaano siya kahirap gawin nung naging nanay ako. kahit nung buntis ako, hindi biro yung pagod dahil nagwo-work din ako ng full time and managerial position pa ang hawak ko, so bukod sa baby sa tiyan ko, marami rin akong kailangan alagaan na mga ahente ko. hindi naman ganon kalayo ang paging Team Leader sa pagiging ina, pero sobrang nakakadrain ng energy lalo na kapag wala kang support. ngayon, malapit na mag 3 months ang baby boy ko, at malapit na rin ako bumalik sa trabaho galing maternity leave. napaka-hirap para sakin ng newborn stage, tapos ang palagi ko pang naririnig, mas madali daw ang stage na to and we should enjoy it while it lasts. pero kung iisipin mo, kasabay ng newborn stage ang post-partum, at hindi lang ang baby mo ang kailangan mong alagaan, pati sarili mo. tapos dahil hindi ka makapag-trabaho kailangan mong umasa sa partner mo, at dahil siya ang financial provider ngayon, kailangan asikasuhin mo rin siya. buong araw mag-isa akong nag aalaga sa baby ko pero parang siya lang ang may karapatang mapagod dahil siya ang nagtatrabaho. pero kapag ang babae ang nagtatrabaho, pag uwi mo galing work, expected pa rin sayo na ikaw ang kumilos sa bahay. puro anxiety ang laman lagi ng utak ko. lagi kong kinu-question kung tama ba ang ginagawa ko. pero hindi ka pwede maging mahina dahil nanay ka. i have no one I can rely on, kaya dito na lang ako nag rant. "kamusta ka?" "okay lang" = "pagod, sleep deprived, masakit ang buong katawan, puno ng anxiety tungkol sa lahat ng bagay, hindi masaya pero di ko pwede sabihing hindi ako masaya kasi 'being a mom should be the greatest joy in the world', at feeling ko lagi I'm the worst person in the world kasi hindi ko magampanan ng maayos ang pagiging nanay dahil hindi ako prepared" okay lang ako 😊 #firsttimemom #FTM

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

*Hugs!* You're doing great mommy... I wish I can say it will get better but I, with a now 3yo, can't really say so confidently. It will definitely change, and be "different" later on as our lo grows but I can't exactly say it's "easier". Maybe easier in a way that the hormones is no longer in the way but other challenges definitely comes up. Anyways, kakayanin natin yan mommy... but not without help. If walang tulong from the outside, we should at least help ourselves. First and most important thing of all: EAT WELL, SLEEP and REST WELL. Naaalala ko nung ganyang newborn si baby ay awang-awa ako sa sarili ko, granted na alagang-alaga pa ako ng hubby at nanay ko. Eventually, narealize ko na whenever I take a warm bath, or brush my teeth, or take a quick snack... nare-recharge ako and I feel "human" again. Exclusively breastfed kasi kami ni baby noon kaya feeling ko ay milk bottle at pacifier lang ako πŸ˜… So since then, kapag nakatulog si baby, kahit 15mins lang yun, I make it a point to use that time to prioritize MYSELF. Yung gawaing bahay, bonus na lng dapat kung may magawa ka pa pero ang priority mo talaga ay IKAW at si BABY (sana maintindihan yun ni hubby). You MUST take care of yourself first so you can take care of your baby. Kumbaga sa aircraft safety reminder "put your own oxygen mask first before putting on your baby's". Mahirap mag-alaga ng iba kung ikaw mismo ay pagod at kailangan ng tulong. Oo naiintindihan ko yung, "no choice, kailangan kayanin, tiisin", etc. but what I'm trying to say is please "BE KIND TO YOURSELF." Kung may kaibigan ka na nagsabi sayo nung same problem na inunload mo sa post mo, ano ang sasabihin mo sa kanya? I'm sure you'll be compassionate and tell them to take care... do the same for yourself πŸ€— So hang in there, mommy. Although I can't confidently say "it will get better", I firmly believe that "this too shall pass" ☺️ And don't forget to pray πŸ™ *hugs!*

Magbasa pa

Ganon naman talaga,wala namang madali sa mundong to.