Nakaraos na mga miiii!
Just sharing our LO dahil ang laking tulong ng community na to sa pregnancy journey namin. EDD: August 27 DOB: August 25 Augmented labor 1 hour active labor and 3 pushes out na si baby. Around 8:30am feeling ko nagleak na panubigan ko at nagstart na din humilab ng 1min but 10mins apart. Saktong sakit lang ng puson parang regla lang pero pumunta na kami agad sa OB para magpa-IE. pagkasukat sa akin 3cm pa lang haha (meaning stuck ako sa 2cm for 1 week) pero super lambot na daw at nagleak na nga panubigan kaya augmented labor ginawa sa akin. Pinasakan ng 10pcs na primrose then 1:30pm nagswero na may oxytocin. Mga 1hr na keri pa yung sakit tapos by 2:30pm ayun sobrang sakit na. Iba na yung hilab mga mami. Pagka-IE sa akin ulit 7cm na!! 3pm 8cm na at dinala na ako sa delivery room. Binigyan ako ng pang-sedate/painless kasi di ko na keri yung sakit. Around 3:30pm out na si baby. Groggy na din ako kaya diretso tulog na. Sobrang bilis ng pangyayari grabe pero thankful ako na hindi ako masyadong naghirap sa labor nakisama si bebe. Kala ko di ko makakayanan at magrerequest na lang na i-CS pero kinaya naman. Totoo ang chika sobrang sakit pero sobrang worth it lahat ng hirap. May anesthesia man o wala, sakripisyo pa rin yan. Pls don't feel na less of a mom ka dahil we chose medication. Kaya nyo din yan mga mamshie pray at tiwala lang!! π₯°#firsttimemom #FTM
Queen bee of 2 bouncy superhero