Sharing my birth story.. ❤️
July 13, 2020 - EDD Based on first UTZ
July 19, 2020 - 4:32 am, Baby is Out!
40 Weeks & 6 days of pregnancy
Baby Girl - 3.8 kilos via NSD
July 17 magdamag sumasakit puson ko pero pasulpot sulpot lang ang contraction hanggang 5am kinabukasan nakatulog nalang ako..
July 18 follow up check up ko sa midwife. From Private Hospital/OB we opted to switch sa lying in/midwife because of the expenses and possible exposure sa hospital since iba iba ang mga patient dun. In-IE ako 2cm palang, pinasakan ako ng 2 Primrose at advice sakin to take 1 tab ng Hyocine at 2 Primrose pag uwi at monitor within 4hrs or so baka lumabas na si baby. Mula pag IE sakin may blood discharge na ko hanggang gabi. Pasulpot sulpot din contraction nya.
July 19 - Magdamag kami gising ni lip nakikiramdam din sya kung magda-darna na ko. 😅 Nagppray lang ako kay lord na maging safe kami at kinakausap si baby na wag ako pahirapan. Mga 3:45am sabi ko kay lip tara na..tinawagan ko din sister ko sabi ko game na, pumunta sya dito sa bahay para samahan panganay ko. Nagmamadali na sila ako naman feeling ko na-pu-poop na ko. Nag drive na si lip papunta sa lying in which is malapit lang dito samin. Hindi pa kami nakakalabas ng village pumutok na panubigan ko at feeling ko lalabas na si baby hindi ko mapigilan..pag dating namin sa lying in deretso kami delivery room. In just 10mins mula umalis kami ng bahay lumabas na si baby. 😅🙏🙏🙏 Grabe kahit hindi ko iiri kusa sya nagpu-push palabas. Ang ending ang laki ng stitched ko, nagka laceration dw paglabas ni baby. Sobrang sakit ng mga tahi ko from baba ng labasan ng urine then baba ng nilabasan ni baby papunta sa pwet. 🤦♀️ (See pic, yung may X dun yung stitches ko).
Anonymous