Nagtampo pero di na sinuyo.
Hi share ko lang story ko, nabibigatan na rin ako dahil mahal na mahal ko pa tlg yung daddy ng baby ko. Nung 2 months preggy ako nakipag hiwalay ako at umatras sa kasal dahil sinigawan at minura mura nya ko knowing na buntis ako sobrang sama ng loob ko nun. Ang ginawa ko lumayas ako sa kanila at nanirahan sa tita ko. One month ako sa tita ko pero ni minsan di ako pinuntahan or sinundo man lang dun. Working din po ko, ni minsan di ako sinundo nun sa office. Hanggang sa umuwi ako samin, pinatawad ko siya pero di ko binalikan dahil wala syang balak ayusin or suyuin man lang ako. Palagi kaming nag-aaway, kunting bagay away. Feeling ko rin na pabor sa kanya yung walang label kasi nagagawa nya gusto nya kasi wala na kong karapatan na sitahin siya. (inom, barkada, sigarilyo, sugal) Hanggang sa lumabas na yung baby ko, hanggang ngayon sweet sya sakin. Nagtatanong kung mahal ko pa daw ba siya, di ako umiimik. Kasi may gusto tlg ako na gawin niya like ligawan or basta something sweet surprise. Pero wala magone year na kaming hiwalay pero ganun pa din set up namin. Minsan naiiyak n lng ako kasi gusto tlg siyang pakasalan, na Prang nagsisi ako sa desisyon ko. Ano dapat kong gawin? Mali ba yung naging desisyon ko? Ayokong umamin na mahal ko pa rin siya. Mas gusto ko pang sungitan siya kesa umamin.