My baby from NICU before and after ?

Share ko lang po. Yung picture sa right that was the day na pinanganak ko sya, diretso sa NICU due to infections and pagtae ni baby sa loob (though nasuka nya naman agad) and lastly yung sobrang bilis ng pag hinga nya kaya kinailangan sya ioxygen. This was my first time experiencing na malayo sa tabi ng anak ko, sobrang sakit pala sa feeling na hindi mo man lang nakarga agad at hanggang tingin ka lang after ng lahat ng sakit na dinanas mo while giving birth. Ang pangyayaring yan sa buhay naming mag asawa ang isa sa pinaka dumurog ng puso namin, halos araw araw inaabangan ko ang pag uwi nya o kahit advice man lang ni doc na pwede ko na sya madirect bf para naman mahawakan ko na sya. 7 days is short pero kung nanay ka it feels like forever and the pain is more unbearable kesa sa labor. Kaya sa mga mommy out there na nakakaexperience neto we salute you for your tapang, we pray na makalabas nadin mga baby nyo sa hospital at higit sa lahat kaya nyo yan dahil nanay kayo. It's been a week nadin since nung makalabas sya and now his 15 days old. I just wanna say thank you sa NICU nurses na nag alaga sakanya, mabasa nyo man to o hindi thankful ako sa pag substitute nyo saken saglit. God bless mommies and get well soon to your babies ?

My baby from NICU before and after ?
10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hi! Same, gave birth last apr 14 then na transfer din si baby sa nicu for 1 week. Pero now okay naman na siya and tumataba na. God bless you and your baby! ❤️

VIP Member

That's why Frontliners are heroes 😍 Stay safe mommy and Baby 💕

Same story. Pero yung baby ko sepsis nmn sakanya❤

ilang weeks po ninyo dinala si baby sa tummy niyo ?

5y ago

Naover due ata kami pero kung ibebase sa EDD 39 weeks. Nagkamali kasi ata ako ng bigay ng last regla ko sa OB ko.

TapFluencer

Hi baby! 🤗 God bless mommy. 🙏

VIP Member

On fleek ang kilay ng baby. ✔❤

Godbless po Stay safe❤️

. God blessed 🙏😇

VIP Member

God bless 🙏

Godbless bb