Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Nurturer of 3 wonderfully made babies ✨️
My First Born
Very malusog and makulit. Turning 4 na this November, ang bilis ng panahon next thing I know may dalaga na ako. ? Laking breast milk hanggang 2 years old at hindi sakitin since then. Happy ako sa choices na ginawa ko for her. Hindi nag walker at bihirang nadapa before until now, after 2 years nag formula milk na sya at stick to one lang kami para mahiyang kaya ayan siksik na siksik na sya, sanay kumain ng kahit na ano, hindi din nag tantrum kahit na isang beses (ugali nya na ata talaga), hindi din kami pala bili ng laruan kaya hindi sya attached sa laruan, englishera din kasi taglish namin sya kausapin. Sobrang proud ko sa baby ko na yan kasi lumaki sya na very independent and strong kahit lagi kaming nasa tabi nya. ? I know she'll be a very good Ate to her baby brother ?
My baby from NICU before and after ?
Share ko lang po. Yung picture sa right that was the day na pinanganak ko sya, diretso sa NICU due to infections and pagtae ni baby sa loob (though nasuka nya naman agad) and lastly yung sobrang bilis ng pag hinga nya kaya kinailangan sya ioxygen. This was my first time experiencing na malayo sa tabi ng anak ko, sobrang sakit pala sa feeling na hindi mo man lang nakarga agad at hanggang tingin ka lang after ng lahat ng sakit na dinanas mo while giving birth. Ang pangyayaring yan sa buhay naming mag asawa ang isa sa pinaka dumurog ng puso namin, halos araw araw inaabangan ko ang pag uwi nya o kahit advice man lang ni doc na pwede ko na sya madirect bf para naman mahawakan ko na sya. 7 days is short pero kung nanay ka it feels like forever and the pain is more unbearable kesa sa labor. Kaya sa mga mommy out there na nakakaexperience neto we salute you for your tapang, we pray na makalabas nadin mga baby nyo sa hospital at higit sa lahat kaya nyo yan dahil nanay kayo. It's been a week nadin since nung makalabas sya and now his 15 days old. I just wanna say thank you sa NICU nurses na nag alaga sakanya, mabasa nyo man to o hindi thankful ako sa pag substitute nyo saken saglit. God bless mommies and get well soon to your babies ?
Daemian Gray G. Salazar
EDD: April 24, 2020 DOB: April 22, 2020 Weight: 3.1 klgms Normal delivery / Baby Boy ?? Our next journey has begun. God bless to other mommies who will and soon will give birth ?
Born : April 22, 2020 (39 weeks and 5 days) Delivery : Normal Weight : 3.1 kilograms Gender : Boy Just wanna share my baby boy with you mommies cause this app has been part of our journey since day 1 and I'm happy to say that we survived it with the help of all the personal experiences of other mommies and the information given by the app itself. His my second by the way ? For mothers to be whether its first, second or whatnot keep fighting. God bless on your journey ?
Mucus plug at 39 weeks and 3 days
Ganyan napo lumabas saken kanina then after that puro may blood padin yung mucus. I got checked nadin and still 1cm, may contractions but still keri padin. Water bag still intact. Anyone experiencing the same? Nakakapraning kasi hindi ko ito naexperience sa first baby ko ??