Pregnant again after 2 miscarriage

Hello, share ko lang po ung story ko. Baka sakaling may makarelate sakin. Sorry medyo long read din po. First pregnancy ko 2017 no heartbeat nakunan ako 9 weeks, niraspa. 2nd pregnancy nitong June 18 lang ako nakunan at 6 weeks at di na niraspa. July 18 nagkaroon na uli ako ng period. Pero after nun wala na. Sept 8 nagPT ako at nagpositive. This time nakakaramdam na ko ng nasusuka which is never ko naranasan sa first 2 pregnancy ko. Sobrang nagulat kami ng asawa ko kasi hindi kami trying na magkababy unlike nung first 2 na intentional talaga, plus sabi ng ob atleast after a year na kami sumubok. Halong saya at takot ang naramdaman namin. Nagdecide kami na hindi na muna kami aasa pero aalagaan ang sarili ko. Pero iba talaga si Lord. Nagfirst check up na ako nung sabado at may heartbeat na si baby 😭❤️ grabe first time kaya grabe iyak namin mag asawa. 9 weeks and 2 days pregnant na din ako ngayon. Madaming pinatake na gamot si ob at nasusuka pa rin talaga ako pero ok lang, kakayanin ko yan lahat para sa baby ko. Alam kong its too early to celebrate, pero sa mga pinagdaanan naming mag asawa malaking milestone ito para sa amin. Sa mga kagaya kong naranasan ang sakit mawalan ng baby at halos mawalan na ng pag asa, wag po kayong susuko at magtiwala lang kay Lord. Mas maganda ang plano nya kesa sa plano natin sa mga buhay natin ❤️ PS: yung pic ay yung pt na tinake ko last sept 8, may interval yan na 3-4 hours at gabi ko na tinake

Pregnant again after 2 miscarriage
29 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

congrats momsh ♥️ I had my 1st miscarriage too at 9weeks din, di daw nadevelop si baby kaya nakunan ako at niraspa netong April lang..after a month nagtry ulit kami magasawa and thanks God kasi success naman..I'm on my 16weeks na 😊 doble ingat lang momsh tsaka ask your OB if you can take Heragest laking tulong kz skin nun kasi sabi ng OB ko support sa matres daw un at the same time pampakapit..pinatake skin un from the time na nagbuntis ako at until now un pa din iniinom ko with other vitamins na din..low lying placenta kz ako kaya need ko full bed rest.

Magbasa pa
5y ago

congrats mommy 💖 sige po itatanong ko kay ob kung pwede ko din itake ang heragest, baka makatulong sakin. ingat po lagi mommy and pagddasal ko kayo ni baby 😊