Pregnant again after 2 miscarriage

Hello, share ko lang po ung story ko. Baka sakaling may makarelate sakin. Sorry medyo long read din po. First pregnancy ko 2017 no heartbeat nakunan ako 9 weeks, niraspa. 2nd pregnancy nitong June 18 lang ako nakunan at 6 weeks at di na niraspa. July 18 nagkaroon na uli ako ng period. Pero after nun wala na. Sept 8 nagPT ako at nagpositive. This time nakakaramdam na ko ng nasusuka which is never ko naranasan sa first 2 pregnancy ko. Sobrang nagulat kami ng asawa ko kasi hindi kami trying na magkababy unlike nung first 2 na intentional talaga, plus sabi ng ob atleast after a year na kami sumubok. Halong saya at takot ang naramdaman namin. Nagdecide kami na hindi na muna kami aasa pero aalagaan ang sarili ko. Pero iba talaga si Lord. Nagfirst check up na ako nung sabado at may heartbeat na si baby 😭❤️ grabe first time kaya grabe iyak namin mag asawa. 9 weeks and 2 days pregnant na din ako ngayon. Madaming pinatake na gamot si ob at nasusuka pa rin talaga ako pero ok lang, kakayanin ko yan lahat para sa baby ko. Alam kong its too early to celebrate, pero sa mga pinagdaanan naming mag asawa malaking milestone ito para sa amin. Sa mga kagaya kong naranasan ang sakit mawalan ng baby at halos mawalan na ng pag asa, wag po kayong susuko at magtiwala lang kay Lord. Mas maganda ang plano nya kesa sa plano natin sa mga buhay natin ❤️ PS: yung pic ay yung pt na tinake ko last sept 8, may interval yan na 3-4 hours at gabi ko na tinake

Pregnant again after 2 miscarriage
29 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

mami dapat lagi ka pahinga. stop work muna. wag muna gawa mga mabibigat na bagay

VIP Member

Congratulations po. Keep safe and healthy po para kay baby. God is good.❤️

congrats...we pray na maging success na yan pregnancy mo keep safe momshie.:)

congrats momshiee. ingatan mo si baby. bed rest ka muna. bawal mastress.

VIP Member

Congrats!!! Iclaim mo na yang rainbow baby na yan. ❤️❤️❤️

Amen!! Keep praying mommy God bless po and Congrats dn 🙂

naiyak ako sis! 💕 ingat lahat ng mamshie 🥰🥰🥰

VIP Member

Congrats mommy praying for sticky baby for you😘🙏

VIP Member

congrats mami. 💗 iba talaga mang surprise si Lord

Congrats, mommy! When God says it, it will happen.