Possible UTI ulit

Hello mommies, please give me an advice po kung ano dapat kong gawin, medyo nagwoworry na po kasi ako. I'm 17 weeks pregnant na po, nung first trimester I think 10 weeks ako nun naresetahan na po ako ng antibiotic for uti which is twice a day for 7 days. Nagrepeat urinalysis po ako after nung 7 days and di na ko niresetahan uli ng gamot ng ob ko. Ngayon po worry ko baka may uti uli ako, kasi medyo masakit po umihi, tsaka napansin ko nagkakaron ng yellow to light green na discharge ako. Nung first time na uti wala pong pain sa pag ihi, pero ngayon medyo masakit talaga :( gusto ko paconsult kay ob kaso parang ayaw ko din naman po sana mag antibiotic uli kasi kawawa naman si baby, madami na masyadong gamot. Gusto ko naturally nalang pagalingin kaso baka magkaron naman ng complication kung di ko ipapacheck. Ano po ba dapat kong gawin :( thank you in advance po sa sasagot. 3rd pregnancy ko na po ito at yung first 2 nakunan po ako pareho as early as 6 weeks, kaya rainbow baby po namin ito. God bless us all po

12 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

share ko lng ung nag ka uti ako nirisetahan ako ni ob Ng gamot Ng 7 days tpus 10 glasses aday daw at hugas daw lagi Ng pepe pg tpus mg wewe 😁cnunod ko lahat at 1 week din ako nag buko juice nun tpus after 7 days nag pa test ulit ako nag urine tpus sbi ni ob lalong tumaas daw ung uti ko 😭 samantalang gnawa ko nmn lahat nag uutos nya.....tpus bibigyan nmn ako gamot sa uti 7 days ulit Ang gnawa ko d na ako nag buko juce more water lng tlga ako lagi palit Ng panty at hugas Ng pepe after 7 days ulit nag pa test nmn ako ng urine nagulat ako WLA na dw sbi ni ob mgaling na ako😁😁😁sa icp icp ko bat nung uminom ako Ng buko juice bat hndi nawala uti ko Lalo pa dumami😁😁😁

Magbasa pa
4y ago

ako din po laging nagbubuko, magwater nalang din ako lagi pero papacheck pa rin ako kay ob

hi mommy nag ganyan din po ako 10weeks me uti nagtake ako ng cefalexin for 7days 2x a day po un then pagbalik ko sa ob hindi nko niresetahan ng gamot pero inadvice nya na more on water no to salty foods, sweet drinks like milktea,soda etc.. even any kinds if milk binawal din ssken, sa ngayon im 13weeks npo and so far okay na . before kc me lumalabas na blood saken na me kasamang nana ngayon po wala na😊

Magbasa pa
4y ago

better pacheck up ka ulit mommy para din po safety mo ni baby.

hi mommy... same po tayo nagtake din ako ng antibiotic for 1 week... nung una ok pa nadadaan pa sa pabuko buko... pero nung nagstart ako sa antibiotic I observed 2 liters of water a day... kahit hassle yung ihi ng ihi ok lang ... then iwas sa matamis at maalat .. natatakot na din ako uminom ulit ng antibiotic kung sakali... get well soon mommy.... I know... God will protect us and our babies as well. 🙏

Magbasa pa
4y ago

ako nga din po mommy natatakot mag antibiotic uli, pero kung kelangan po talaga para sa safety ni baby gagawin ko nalang. magpapacheck nalang po ako uli kay ob. salamat po mommy

VIP Member

natural remedy ko is buko juice kahit once a week tas more on water talaga.. pag napapansin kong sobrang yellow ung ihi ko sinusundan kuna nang madaming tubig kahit d ako uhaw or kahit busog ako. nagb-base nalang ako sa kulay nang ihi ko kung gaanu kadami inumin ko kasi nd ko kaya ung 8 glasses a day...

Magbasa pa
4y ago

kung malakas kau magtubig. siguro bacteria na yan. sa experience ko nagkaUTI ako nun kasi sa way na pagtatalik namin where in may kasamang "laway" 😅 and masama un kasi may bacteria ung laway natin kaya isa din cause nang UTI un sabi nang doctora saakin. kung ayaw mo po nang gamot.. mag buko juice ka nalang po para mawash out ung bacteria. wag mo palalain kasi ako nun hinayaan ko hanggang sa nd ko na kaya tumayo,

VIP Member

Sis need mo mag pa check up if may pain ka ka sa pag ihi at medyo green discharge not a good sign mataas na ang Bacteria bka ma punta na yn ky baby. Inom ka maraming water sabaw mg buko or crunberry juice. Pro need mo pa din mag gamot. Bka mag pa urine cultured ka na din

4y ago

noted po sis, salamat sa advice. magpapacheck nalang po ako kay ob

Same here monshie, 3rd pregnancy ko na ito and twice nrn aq nakunan. Consult OB prn po kayo, mas maapektuhan po c baby kung patatagalin nyo pa po. God bless po. Tanong ko lang po, inadvice po b kayo ng OB po ninyo for APS test nung twice n po kayo makunan?

4y ago

pagppray ko ang pregnancy mo mommy. God bless and stay safe din mommy! 💖

Ako before nresetahan ako ng antibiotic pero since alam ko na kht reseta ng OB safe safe daw dko ininum, nag water water lng ako kasi still gamot pdn un

4y ago

Yes po nawala naman without drinking any medicine, just imagine having uti n ndi ka buntis mwwala dn bsta self control, bbye softdrinks, junkfoods, maalat nawala naman

consult po.ikaw sa ob nyo dpat po before kaya managanak na gamot na UTi nyo para di na ma harm baby nyo pag idedeliver nyo sya

4y ago

noted po mommy, salamat sa advice po

VIP Member

Consult your OB, pag buntis kasi possible na pabalik-balik ang UTI. Drink more water, buko juice or cranberry juice.

4y ago

salamat po mommy sa advice. magpapacheck nalang po ako kay ob

VIP Member

pacheckup po kau ksi nkka cause po ng miscarriage ang UTI, huwag nyo n po ipagpaliban

4y ago

opo mommy, papacheck na po ako kay ob para makasiguro na rin kami